Sa panahon ng aborsyon gamit ang pills, ang pinakarerekomendang gamot para sa pangangasiwa sa kirot ay ibuprofen, na nakatutulong upang mabawasan ang paghilab at ang mga side effect ng misoprostol, gaya ng panginginig o lagnat. Mabibili ang ibuprofen kahit saan sa halos lahat ng mga bansa nang walang reseta. Ang pag-inom ng 800 mg ng ibuprofen 30 minuto bago gumamit ng misoprostol ay makatutulong upang makontrol ang kirot. Pagkatapos nito, maaari kang uminom ng 400 mg bawat 3 oras kung kinakailangan, ngunit huwag lalampas sa 3200 mg sa loob ng 24 oras.
Iba pang mga gamot na katulad ng ibuprofen (nasa kategorya pa ring NSAIDs) na maaaring gamitin kung hindi available angibuprofen:
- Naproxen. Uminom ng 550 mg bago gumamit ng misoprostol, pagkatapos ay 550 mg bawat 8 oras (max 1650 mg sa 24 oras).
- ketoprofen. Uminom ng 100 mg bago gumamit ng misoprostol, pagkatapos ay 100 mg bawat 8 oras (max 300 mg sa 24 oras).
- ketorolac. Uminom ng 20 mg bago gumamit ng misoprostol, pagkatapos ay 10 mg bawat 6-8 oras (max 40 mg sa 24 oras).
- diclofenac. Uminom ng 100 mg bago gumamit ng misoprostol, pagkatapos ay 50 mg bawat 6-8 oras (max 150 mg sa 24 oras).
⚠️ Kung hindi ka hiyang sa ibuprofen o NSAIDs, maaaring gumamit ng paracetamol (acetamenophin) —dalawang 325 mg tabletas sa bawat 4-6 oras kung kinakailangan. Hindi lalampas sa 4000 mg sa tagal na 24 oras.
⚠️ HINDI inirerekomenda ang Aspirin dahil nakakaapekto ito sa pamumuo ng dugo at maaaring tumaas ang panganib ng labis na pagdurugo.
Makakatulong din na mabawasan ang kirot gamit ang ibang mga di-medikal na pamamaraan, katulad ng paggamit ng heating pad o pagmamasahe sa puson.