Pagkumpirma at Pagkalkula ng Pagbubuntis

Paano mo makakalkula ang bilang ng mga linggo ng pagbubuntis?

Ang pagkalkula sa gulang ng iyong pagbubuntis ay mahalaga kahit na kung ikaw ay nakapagpasya na wakasan o ipagpatuloy ang pagbubuntis.

Kung iyong napagpasyahan na wakasan ang iyong pagbubuntis, ang mga linggo ng pagbubuntis ay makakatulong para matukoy kung aling mga pagpipilian ng mga pamamaraan sa pagpapalaglag ang pwede mong makuha.

Kung iyong napagpasyahan na ipagpatuloy ang pagbubuntis, ito ay tutulong sa iyong midwife o doktor na malaman kung ang pagbubuntis ay lumalaki na normal. Laging tatandaan na ang isang pagbubuntis ay karaniwang nagtatagal ng humigit-kumulang 38 hanggang 42 na linggo mula sa unang araw ng iyong huling pagreregla. [1]

Ang pinakamadaling paraan upang makuwenta ang mga linggo ng iyong pagbubuntis ay sa pamamagitan ng pagbibilang sa bilang ng mga linggo at mga araw mula sa unang araw ng iyong huling pagreregla.

Mahalaga na magbilang mula sa unang araw ng iyong pinakahuling pagreregla, dahil mula rito aming matatantiya kung kailan ang itlog ay lumabas at na-fertilize. [2]

Mag-ingat sa mga karaniwang pagkakamali na ginagawa ng mga kababaihan, huwag kalkulahin sa pamamagitan ng:

– pagbilang mula nung kailan huminto ang kanilang regla;

– pagbilang mula sa araw ng pagtatalik;

Be carefulwith some of the commonmistakes, doNOTcalculate by:

– counting from when you mi- pagbilang mula sa araw na sa tingin mo ay nabuntis ka.

Kung kailangan mo ng tulong upang makuwenta ang mga linggo ng iyong pagbubuntis.

Pagbubuntis na calculator

Piliin dito ang unang araw ng iyong huling pagreregla:

Kung hindi mo sinusubaybayan ang iyong pagreregla o di kaya ay hindi mo maalala kung kailan ka huling nagkaroon nito, maaari mong isipin kung ano ang iyong ginagawa nang huli kang magkaroon nito. Nasaan ka noon? Sino ang kasama mo? Kung minsan ay nakakatulong ang mga ito sa pag-alala ng petsa kung kailan ka huling niregla. [3]

Iba pang mga paraan upang makumpirma ang pagbubuntis:

1) Pagsusuri sa ihi:This test is very common, and it detects the presence of pregnancy hormone in the urine. In order to avoid a “false negative” this test should be done 2 weeks or more after unprotected sex.

– Mga Benepisyo: Ito ay hindi mahal at maaaring gawin ng pribado sa bahay.

– Mga Disbentahe: Hindi ito nakakatulong para makuwenta ang gulang ng pagbubuntis.

2) Pagsusuri sa dugoMay umiiral na dalawang uri ng pagsusuri: qualitative (natutukoy ang hormone ng pagbubuntis hCG sa dugo) at quantitative (sumusukat sa rami ng hormone).

– Mga Benepisyo: Maaari nitong matukoy nang mas maaga ang pagbubuntis kaysa sa pagsusuri sa ihi, at minsan ay maaaring makatulong para malaman ang tinatayang gulang ng pagbubuntis (kung quantitative).

– Mga Disbentahe: Ito ay mas mahal, at kailangan na iutos ng isang health provider.

3) Ultrasound:Ang pagsusuri na ito ay kapaki-pakinabang pagkatapos ng hindi bababa ng 4 na linggo ng pagbubuntis o higit pa, kung hindi ay walang makikita. Ito ay maaaring maging kapaki-pakinabang kung hindi mo alam ang iyong huling pagreregla.

– Mga Benepisyo: Ito ay napakatumpak sa pagtatantiya sa gulang ng pagbubuntis, at maaari ring gamitin para matukoy ang ectopic pregnancy o iba pang hindi-mabubuhay na pagbubuntis.

– Mga Disbentahe: Ito ay maaaring maging napakamahal, at dapat na isagawa ng isang health provider. [4]

Pagpili ng naaangkop na pamamaraan ng pagpapalaglag ayon sa iyong edad ng pagbubuntis

Mayroong maraming mga ligtas na pamamaraan ng pagpapalaglag na maaari mong piliin, at karamihan ay nakasalalay sa gestational age ng iyong pagbubuntis. Dahil mayroong ilang overlap sa edad ng gestational para sa iba’t ibang mga pamamaraan ng pagpapalaglag, ang desisyon ay maaari ring batay sa lokasyon ng heograpiya, pagkakaroon ng kagamitan, at kagustuhan sa tagapagbigay ng serbisyo.

Pagpili ng naaangkop na pamamaraan ng pagpapalaglag ayon sa iyong edad ng pagbubuntis

Medikal na pagpapalaglag (MA o pagpapalaglag sa mga tabletas) ay ginagamit hanggang sa 13 linggo

Manual Vacuum Aspiration (MVA) ay isang anyo ng uterine aspiration at karaniwang ginagamit hanggang sa 14 na linggo na pagbubuntis

Electric Vacuum Aspiration (EVA)ay isang anyo ng uterine aspiration, at madalas na ginagamit sa paglipas ng 15 linggo na pagbubuntis

Dilation at evacuation (D&E)ay ang mga pamamaraan ay karaniwang ginagamit nang higit sa 14 na linggo ng gestation

Induction abortion, kung ginamit, ay karaniwang ginagawa para sa mga pagbubuntis na higit sa 16 na linggo na pagbubuntis

Dilation at Curettage (D&C)is an outdated method of abortion, and has largely been replaced by methods of uterine aspiration (MVA/EVA) and dilation and evacuation (D&E). [1], [5]

Ang safe2choose ay nag-eendorso ng Medical Abortion (MA o Abortion with Pills) o Manual Vacuum Aspiration (MVA) para sa mga pagbubuntis sa unang tatlong buwan o maagang ikalawang trimester.

Makipag-ugnayan sa amin.

Mga May-akda:

bng safe2choose team at mga eksperto ng carafem, base sa rekomendasyon ng The National Abortion Fund (NAF) taong 2020.

Ang The National Abortion Federation ay propesyonal na samahan ng mga nagbibigay serbisyo sa pagpalaglag sa Hilagang Amerika.

Ang carafem ay nagbibigay ng maginhawa at propesyonal na pangagalaga sa pagpapalaglag at pagpaplano ng pamilya upang makontrol ng mga tao ang bilang at puwang ng kanilang mga anak

[1] World Health Organization. Safe abortion: technical and policy guidance for health systems. Retrieved from: https://apps.who.int/iris/bitstream/handle/10665/70914/;jsessionid=B7AEEBE4F34809D869F73B1ABA7F6221?sequence=1[2] Megan Wainwright, Christopher J Colvin, Alison Swartz & Natalie Leon. Self-management of medical abortion: a qualitative evidence synthesis. Retrieved from: https://www.tandfonline.com/doi/pdf/10.1016/j.rhm.2016.06.008?needAccess=true

[3] Healthline. Tests Used to Confirm Pregnancy. Retrieved from: https://www.healthline.com/health/pregnancy/tests

[4] WebMd. Pregnancy Tests. Retrieved from: https://www.webmd.com/baby/guide/pregnancy-tests#1

[5] Ipas. Clinical Updates in Reproductive Health. 2019. Retrieved from: https://www.ipas.org/wp-content/uploads/2023/09/Ipas-Clinical-Updates-in-Reproductive-Health-CURHE23b.pdf

Safe Abortion with Pills Options