Patakaran sa Pagkapribado

SINO KAMI AT SAKOP NG PATAKARAN NA ITO:

Ang safe2choose (ang Organisasyon o Kami) ay isang non-profit na grupo na nagbibigay ng digital system na may website at mga kaugnay na teknolohiya upang pagdugtungin ang tao sa bawat lugar para sa tiyak at magbigay ng impormasyon sa ligtas na opsyon sa aborsyon, para magkaroon sila ng ligtas na aborsyon saan, kailan, at kung kanino sila pinaka-komportable (ang Sistema). Ang Sistema ay kumokolekta ng personally identifiable information (PII) tungkol sa mga tao na gagamit nito at mga empleyado ng Organisasyon, independent na mga kontraktor, at mga tao na mga nag-aapply sa mga posisyon (Users). Ang Patakaran sa Pagkapribado na ito ay nagpapaliwanag ng mga uri ng PII na nakolekta at karapatan ng mga User kaugnay sa PII na nakolekta namin. Pagmamay-ari at kontrolado naming ang maraming aspeto ng Sistema, ngunit upang mapabuti ang bisa, ang ilang aspeto ay binigay ng Third-Party Service Providers.

Binuo namin at sinusunod ang Patakaran sa Pagkapribado nito upang protektahan ang privacy ng mga Users.

MGA PAGBABAGO SA PATAKARANG ITO AT MGA KARAGDAGANG PAUNAWA SA PRIVACY

Inilalaan namin ang karapatang baguhin ang Patakaran sa Pagkapribado na ito sa hinaharap. Hindi namin aabisuhan ang mga user tungkol sa kaunting pagbabago na hindi nakakaapekto sa kanilang mga interes sa privacy – tulad ng pagbibigay ng pinahusay na proteksyon sa privacy, pagwawasto ng mga maling spelling, at/o pagdaragdag ng hindi materyal na impormasyon. Para sa anumang materyal na pagbabago, aabisuhan namin ang mga User sa pamamagitan ng email tungkol sa kanila. Nangangahulugan ito na kung ang isang User ay hindi nagbigay ng valid email address, hindi namin sila maabisuhan tungkol sa anumang mga pagbabago sa Patakaran na ito. Ang Patakaran sa Pagkapribado na ito ay maaaring mabago o madagdagan ng pag-post namin ng bagong bersyon o mga karagdagang paunawa sa privacy na naaangkop sa isang partikular na pakikipag-ugnayan sa amin. Ang mga abiso na ito ay maaaring naka-embed sa Patakaran na ito, naka-post sa website ng Organisasyon, at/o gawing available sa iyo nang hiwalay.

MGA LINK SA MGA THIRD-PARTY SITE

Ang Patakaran ng Pagkapribado na ito ay hindi sakop sa anumang mga third-party na site na maaaring mag-link sa, o ma-access mula sa, Sistema. Hindi namin pananagutan para sa anumang mga nilalaman, feature, functionality, o mga kasanayan sa privacy ng iba pang naka-link na site o serbisyo. Ang mga kasanayan sa pangongolekta at paggamit ng data ng anumang naka-link na third-party na site ay pamamahalaan ng naaangkop na abiso, pahayag, o patakaran sa pagkapribado ng third party, at ang mga tuntunin ng paggamit nito. Hinihikayat namin na basahin ninyo ito.

ANG MGA PERSONALLY IDENTIFIABLE INFORMATION NA NAKOLEKTA NAMIN:

Sa Patakaran sa Pagkapribado na ito, sama-sama naming tinutukoy ang lahat ng personally identifiable information bilang “PII.” Nangongolekta kami ng malawak na saklaw ng PII mula sa at tungkol sa mga User, at ang eksaktong PII na nakolekta ay depende sa User at sa sitwasyon. Kung gayon, maaaring kabilang sa PII ang alinman o lahat ng mga sumusunod:

  • Pangalan.
  • Email address.
  • Phone number.
  • IP address, internet service provider, uri ng browser, at wika
  • Lokasyon.
  • Time Zone.
  • Wikang ginamit.
  • Edad, kasarian, personal na larawan, at iba pang mga personal na impormasyon na binigay ng mga User.
  • Impormasyong ibinibigay ng mga User tungkol sa kanilang kalusugan, mga isyu sa reproductive/pagbubuntis, mga dahilan para sa pakikipag-ugnayan sa Sistema, at ang kanilang mga kakayahan na ma-access at magbayad para sa mga serbisyo sa reproductive healthcare services.
  • Status ng trabaho at impormasyon ng employer.
  • mga testimonial at rating na ibinibigay sa anumang aspeto ng Sistema.

PAANO NAMIN KINOKOLEKTA ANG IYONG PERSONAL NA IMPORMASYON:

Hinihiling namin ang iyong pahintulot bago mangolekta ng PII, at sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa Sistema, ang mga User ay nagbigay ng kanilang pahintulot sa parehong (1) mga tuntunin at kundisyon na nakabalangkas sa Patakaran sa Privacy na ito at (2) ang aming koleksyon, paggamit, at pagpapanatili ng anumang impormasyong ibinibigay nila sa Organisasyon at/o anumang impormasyon na kinokolekta ng Sistema mula sa mga teknolohiyang ginagamit nila upang makipag-ugnayan sa Sistema.

Sa ibang salita, sa tuwing nakikipag-ugnayan ang User sa Sistema, maaari itong awtomatikong mangolekta ng PII mula sa teknolohiyang ginagamit ng User at mangongolekta ng anumang PII na ibinibigay ng User sa anumang pakikipag-ugnayan sa Sistema.

Maaari naming gamitin ang anuman o lahat ng mga sumusunod na pamamaraan upang mangolekta ng Personal na Impormasyon:

  • Boluntaryong kontribusyon ng mga User;
  • ang mga pakikipag-ugnayan ng mga User sa anumang bahagi ng System kasama ngunit hindi limitado sa Third-Party service Providers; at
  • Talakayan/interaksyon kasama ang mga User.

Patuloy kaming maghahanap ng mahusay, secure na mga paraan upang mangolekta ng PII. At, kung makakita kami ng mga ganitong paraan, aamyendahin namin ang Patakaran sa Pagkapribado na ito upang ipakita ang anumang mga pagbabago.

ANONG GINAGAWA NAMIN SA IYONG PERSONALLY IDENTIFIABLE INFORMATION:

Ginagamit namin ang PII na aming kinokolekta at/o tinataglay sa mga sumusunod na paraan:

  • Upang makipag-ugnayan sa iyo bilang isang User kasama ngunit hindi limitado sa pagbibigay sa iyo ng may-katuturan, kapaki-pakinabang na Impormasyong nauugnay sa iyong mga reproductive na opsyon.
  • Suriin ang anumang PII Upang mapagbuti namin ang mga serbisyo, produkto, at halaga na inihahatid namin at/o makipagkomunikasyon sa mga naturang pagpapahusay at nauugnay na impormasyon sa mga User at iba pa.
  • Magsagawa ng mga tungkuling administratibo para sa Sistema at/o sa normal na kurso ng pagtatrabaho at pagpapatakbo ng Organisasyon.
  • Magsagawa ng pananaliksik para at/o ng Organisasyon.
  • para sa ilang kursong eLearning na ibinibigay namin sa pakikipagtulungan sa ibang mga organisasyon, ibinibigay namin sa ibang mga organisasyon ang ilang PII na kinokolekta namin tungkol sa kanilang mga miyembro na lumalahok sa mga naturang kursong eLearning.
  • mga Fundraising effort, na maaaring kabilang ang pagbibigay ng mga buod ng PII sa mga grupo na nag-aalok o maaaring mag-alok ng pagpopondo sa Organisasyon.
  • Magbigay ng PII sa nagpapatupad ng batas, iba pang ahensya o awtoridad ng gobyerno, o mga Third Party ayon sa iniaatas ng naaangkop na batas, utos ng hukuman, subpoena, o legal na prosesong inihain sa Organisasyon.

Magsasagawa kami ng mga makatwiran at naaayon sa batas na mga hakbang upang maiwasan na mapilitang ibunyag ang iyong PII ng anumang grupo ng pamahalaan o third-party na naghahanap ng access dito. Gayunpaman, may mga pagkakataon kung saan ang mga grupo ng pamahalaan at/o mga third-party ay may legal na karapatan na pilitin ang mga grupo tulad ng aming Organisasyon na ibunyag ang PII; at, sa mga sitwasyong ito, ang aming Organisasyon ay kailangang sumunod.

Kung tungkol sa PII na kinokolekta at/o inimbak ng mga Third-Party Service Provider na nakikilahok sa Sistema, hindi namin kontrol ang kanilang paggamit at/o pag-iimbak ng anumang naturang PII.

Gaya ng ipinaliwanag sa seksyon ng Patakaran sa Pagkapribado na ito na pinamagatang “IYONG MGA KARAPATAN NA MA-ACCESS, ITAMA, IKONTROL, AT BURAHIN ang IYONG PERSONAL NA IMPORMASYON”, maaari mong maimpluwensyahan kung ano ang ginagawa namin sa iyong PII gaya ng tinukoy sa seksyon na iyon.

IYONG MGA KARAPATAN NA MA-ACCESS, ITAMA, IKONTROL, AT BURAHIN ang IYONG PERSONALLY IDENTIFIABLE INFORMATION:

Ang mga User na ang PII ay nasa aming pag-aari ay may mga sumusunod na karapatan –

  • Kumuha ng access at tumanggap ng mga kopya ng kanilang PII.
  • Makatanggap ng paliwanag kung paano namin nakuha at ginamit ang kanilang PII.
  • Itama o burahin ang kanilang PII.
  • Baguhin kung paano namin ginagamit ang kanilang PII.

Upang magamit ang alinman sa mga karapatang ito, dapat magbigay sa amin ang mga User ng valid, nabe-verify na email address at sundin ang mga tagubiling itinakda sa ibaba sa seksyon ng Patakaran sa Pagkapripado na ito na pinamagatang “PAANO KAMI MAKONTAK SA MGA KAHILINGAN, KOMENTARYO, AT MGA TANONG”. Kung ang User ay hindi nagbigay sa amin ng isang valid, na nabe-verify na email address, hindi namin makontak sila; at ito ay humahadlang (1) sa amin sa pag-abiso sa kanila tungkol sa mga pagbabago sa patakarang ito at/o mga isyung nauugnay sa kanilang PII at (2) sa amin mula sa pag-verify ng kanilang pagkakakilanlan upang mapahintulutan namin silang gamitin ang kanilang mga karapatan na i-access, itama, kontrolin at burahin ang kanilang PII.

ANG AMING PATAKARAN AT MGA KASANAYAN SA PRIVACY SA AMING MENOR DE EDAD:

Hindi namin sinasadyang mangolekta ng impormasyon tungkol sa mga taong 13 taong gulang pababa. Dahil ang mga pakikipag-ugnayan sa Sistema ay hindi nagsasangkot ng anumang materyal at/o impormasyon na kinagigiliwan ng mga menor de edad o maaaring makaapekto sa kanila nang masama, hindi namin malayang ma-verify ang edad ng mga taong gumagamit ng aming website at mga serbisyo. Nangangahulugan ito na maaari naming hindi sinasadya at hindi kusang mangolekta ng ilang PII ng isang menor de edad na gumagamit ng Sistema. Sa lawak na ibinibigay ng mga User ang PII tungkol sa mga taong wala pang 13 taong gulang, dapat tratuhin ng Organisasyon ang naturang PII ayon sa Patakaran sa Pagkapribado na ito. Kung sinasadya naming makipag-ugnayan sa isang taong wala pang 13 taong gulang, ituturo namin sa tao na kailangan nila ng pahintulot ng isang adulto para makipag-ugnayan sa Sistema.

ANG AMING MGA PATAKARAN AT KASANAYAN SA SEGURIDAD NG DATA AT RETENSIYON:

Upang protektahan ang iyong PII mula sa hindi awtorisadong pagsisiwalat/paggamit, ginagawa namin ang mga sumusunod na pag-iingat:

Edukasyon tungkol sa Patakaran na ito: Ipinapaalam namin sa aming mga empleyado, kinatawan, at Third-Party Service Provider ang tungkol sa mga detalye ng Patakaran sa Pagkapribado na ito at ang kahalagahan ng pagprotekta sa PII sa loob namin at sa kanilang pag-aari mula sa hindi awtorisadong pagsisiwalat/paggamit.

Pagpapabuti ng Seguridad: Kami ay nasa proseso ng pagpapahusay ng aming mga effort upang ma-secure ang iyong PII. Sa oras na ito, nagpatupad kami ng isang serye ng mga effort sa seguridad na idinisenyo upang maiwasan ang hindi awtorisadong pagsisiwalat at/o paggamit ng iyong PII. Pagkatapos naming makumpleto ang proyekto sa pagpapahusay ng seguridad, ia-update namin ang Patakaran sa Pagkapribado na ito. Makipag-ugnayan sa amin para sa anumang mga katanungan.

Patakaran sa pagpapanatili ng data – Ang aming pangkalahatang patakaran ay tanggalin ang lahat ng PII sa loob ng 1 taon mula sa petsang nakolekta. Gayunpaman, dahil sa pagiging kumplikado ng aming Sistema, hindi ito palaging nangyayari. Bilang karagdagan, ang aming patakaran sa pagpapanatili ng data ay hindi na-aapply sa PII na nakolekta at/o naimbak ng Third-Party Service Provider.

Patakaran sa pag-encrypt ng data – Kinikilala namin ang kahalagahan ng pag-encrypt ng PII na kinokolekta namin, at nasa proseso kami ng pagbabago sa aming Sistema upang ang lahat ng PII ay ma-encrypt. Sa kasalukuyan, gayunpaman, hindi lahat ng PII ay naka-encrypt. Bilang karagdagan, hindi na-aapply ang aming patakaran sa pag-encrypt ng data sa PII na nakolekta at/o naimbak ng mga Third-Party Service Provider.

Mga Third-Party Service Provider: Tungkol sa mga Third-Party Service Provider, hindi namin malayang nasuri kung ipinatupad nila ang mga pag-iingat sa seguridad na sinasabi nilang ginagamit nila. Ang naturang malayang pagsusuri ay masyadong mahal at nakakaubos ng oras para sa isang grupo tulad ng aming Organisasyon, at karamihan sa mga third-party service provider ay hindi papayag na gawin ang mga pagsusuri na ito.

ANG AMING “HUWAG I-TRACK” NA PAGSISIWALAT:

Hindi namin sinusubaybayan ang mga tao sa mga third-party na website upang magbigay ng naka-target na advertising. Samakatuwid, hindi kami tumutugon sa mga signal ng Do Not Track (DNT).

PAANO MAKIPAG-UGNAYAN SA AMIN TUNGKOL SA MGA KAHILINGAN, KOMENTO, AT TANONG:

Upang makipag-ugnayan sa amin para sa mga kahilingan, komento, at/o tanong, mangyaring mag-email sa amin sa privacy@safe2choose.org. Bago isiwalat ang anumang PII o gumawa ng anumang mga pagbabago sa PII, gagamitin namin ang email address sa file upang i-verify ang pagkakakilanlan ng taong humihiling. Ang iyong privacy napakahalaga sa amin.

Gaya ng nakasaad sa itaas, kung ang User ay hindi nagbigay sa amin ng valid, na nabe-verify na email address noong orihinal na nakikipag-ugnayan sa amin at nagbibigay sa amin ng PII, hindi namin mabe-verify ang kanilang pagkakakilanlan; at ito ay pumipigil sa amin na hayaan ang sinuman na gamitin ang anumang mga karapatan na nauugnay sa PII na nasa aming pag-aari.

HULING UPDATE:

Ang Patakaran sa Pagkapribado ay in-update noong Hulyo, 2024. Ia-update namin ang Patakaran sa Pagkapribado na ito nang hindi bababa sa isang beses kada 12 buwan.