Ang safe2choose ay isang panlipunang organisasyon na bahagi ng internasyunal na kilusan para sa kalusugang panreproduktibo at sa pagkakaroon ng ligtas na pagpapalaglag.
Ang safe2choose ay isang online counseling at informational platform na sumusuporta sa mga kababaihan na nagnanais ng isang pagpapalaglag na may mga tabletas o isang na pagpapalaglag na surhikal, at kung kinakailangan, nilalapit ang mga ito sa pinagkakatiwalaang at sinanay na mga nagbibigay ng pangangalagang pangkalusugan.
Kasama sa aming pangkat ang mga multilingual na tagapayo, mga medikal na doktor at eksperto sa larangan ng pampublikong kalusugan at internasyonal na pag-unlad na nagtutulungan upang mabigyan ka ng wastong impormasyon tungkol sa ligtas na pagpapalaglag. Sinusuportahan at iginagalang namin ang mga kababaihan upang gumawa ng mga sariling desisyon tungkol sa kanilang katawan at kalusugang panreproduktibo.
Ano ang maaring ihandog sa iyo ng safe2choose?
Nagbibigay ang safe2choose ng siyentipikong impormasyong at pagpapayo sa pamamagitan ng email at live na chat tungkol sa ligtas na pagpapalaglag sa medikal at surhikal.
Mayroong iba’t ibang mga pamamaraan upang wakasan ang pagbubuntis nang ligtas. Sa safe2choose, nagpapakadalubhasa kami sa pagbabahagi ng impormasyon tungkol sa pagpapalaglag gamit ang tabletas at manual vacuum aspiration sa loob ng unang 13 linggo ng pagbubuntis.
Para sa mga babaeng nangangailangan ng pag-access sa mga pagpapalaglag na tabletas o na nangangailangan ng karagdagang suporta para sa isang pagpapalaglag na surhikal, ang mga tagapayo ng safe2choose ay isasangguni sila sa kanilang pinakamalapit na pinagkakatiwalaang tagabigay ng pangangalaga sa kalusugan.
Kung mayroon kang katanungan sa aming mga serbisyo, huwag mag-atubiling makipag-unay sa amin. Malugod ka naming susuportahan.
Ang aming misyon:
Itaguyod ang ligtas na pagpapalaglag sa pamamagitan ng pagbibigay ng mapagkakatiwalaang impormasyon tungkol sa mga tabletas pampalaglag.
Ang aming pangako:
- Nagbibigay kami ng impormasyon batay sa pinakabagong ebidensyang siyentipiko tungkol sa ligtas pagpapalaglag.
- Naghahandog kami ng mga libreng serbisyong pagpapayo na ligtas, mapagkakatiwalaan, maginhawa, at walang paghuhusga at dungis sa karangalan.
- Ginagawa namin ang lubos naming makakaya na mai-refer ka sa mga mapagkakatiwalaan, pro-choice na organisasyon kung kinakailangan.
- Kami ay madaling maabot, magiliw, at matulungin.
- Iginagalang namin ang iyong karapatang gumawa ng mga sariling desisyon tungkol sa iyong kalusugan at sa iyong buhay.