safe2choose

Mga Tuntunin at Kondisyon

Pangkalahataan

Ang safe2choose (safe2choose.org) ang may-ari at nagpapatakbo ng Website na ito. Ang dokumentong ito ay namamahala sa iyong relasyon sa domain name na safe2choose.org at sa mga serbisyong ibinibigay nito (“Website”). Ang pag-access at paggamit ng Website na ito, pati na rin ang impormasyon tulad ng mga larawan, teksto, at video, at mga serbisyong kabilang dito tulad ng pagpapayo at Online Consultation (sama-samang tinatawag na “Mga Serbisyo sa Pagpapayo / Serbisyo”) ay sakop ng mga sumusunod na tuntunin, kondisyon, at paalala (ang “Mga Tuntunin ng Serbisyo”).

Sa paggamit mo ng Mga Serbisyo sa Pagpapayo sa Website na ito o sa pamamagitan ng Website na ito, sumasang-ayon ka sa lahat ng Tuntunin ng Serbisyo, na maaaring baguhin o i-update ng safe2choose paminsan-minsan. Dapat mong regular na bisitahin ang pahinang ito upang malaman kung may mga pagbabagong ginawa sa Tuntunin ng Serbisyo. Maaaring hindi namin magawang bigyan ka ng abiso bago gawin ang anumang pagbabago sa Website o sa mga Tuntunin ng Serbisyo nito.

Inilalaan namin ang karapatan na baguhin o bawiin ang mga Serbisyo nang walang paunang abiso. Hindi kami mananagot kung sakaling hindi ma-access ang Website na ito anumang oras o sa anumang tagal ng panahon. Paminsan-minsan, maaaring higpitan namin ang access sa ilang bahagi o sa buong Website.

Ang Website na ito ay maaaring maglaman ng mga link sa iba pang mga website (“Mga Kaugnay na Site”) na hindi pinapatakbo ng Website na ito. Wala kaming kontrol sa mga Kaugnay na Site at hindi kami responsable para sa mga ito o sa anumang pagkawala o pinsala na maaaring idulot ng iyong paggamit ng mga ito. Ang iyong paggamit ng mga Kaugnay na Site ay sakop ng kani-kanilang mga tuntunin ng paggamit at serbisyo na nakasaad sa bawat site.


Patakaran sa Pribasiya

Ang aming patakaran sa pagkapribado, na nagpapaliwanag kung paano namin gagamitin ang iyong impormasyon, ay matatagpuan sa safe2choose.org/privacy-policy. Sa paggamit ng Website na ito, sumasang-ayon ka sa pagproseso ng iyong personal na impormasyon gaya ng inilalarawan doon, at pinatutunayan mong tama at totoo ang lahat ng impormasyong iyong ibinigay.


Mga Tagapayo at Serbisyong Pagpapayo

Ang website na ito ay nagbibigay-daan para makipag-ugnayan ka sa mga tagapayo, konsultant, lisensyadong mga manggagamot, at iba pang kwalipikadong tao upang magbigay ng Serbisyo (sama-samang tinutukoy bilang “tagapayo”) para sa layunin ng pagbibigay ng pagpapayo, impormasyon, at payo tungkol sa medikal na aborsyon. Mahalagang tandaan na ang Serbisyong Pagpapayo ay hindi maituturing na propesyonal na medikal na payo o serbisyo, at hindi dapat ituring na kapalit ng payo o serbisyong ibinibigay ng rehistrado at kwalipikadong mga medikal na propesyonal ayon sa mga lokal na batas sa inyong lugar. Ang Website ay hindi rehistrado bilang isang manggagamot o klinika sa alinmang hurisdiksyon, hindi nagbibigay ng garantiya tungkol sa Serbisyo nito, at hindi kwalipikado na magreseta ng anumang gamot o paggamot. Hindi dapat ituring na ospital, klinika, medikal na pasilidad, o lisensyadong manggagamot ang Website o ang mga Tagapayo nito.

Hindi layunin ng Website na magbigay ng diagnosis, reseta ng gamot, o anumang paggamot na maaaring angkop para sa iyo, at dapat mong balewalain ang anumang ganitong payo kung ito ay mula sa Website.

Ang Serbisyong Pagpapayo sa Website ay pandagdag lamang sa personal na konsultasyon sa isang rehistrado o lisensyadong manggagamot, at hindi ito maaaring ituring na kapalit ng isang personal na eksaminasyon o konsultasyon ng isang kwalipikado at lisensyadong doktor. Dapat kang kumonsulta nang personal sa isang lisensyado at kwalipikadong manggagamot bago magdesisyon na sumailalim sa medikal na aborsyon o pumili ng anumang ibang paraan ng aborsyon. Ang Serbisyong Pagpapayo ay naglalaman lamang ng pampublikong impormasyong available tungkol sa iba’t ibang opsyon sa medikal na aborsyon at hindi nagbibigay ng partikular na rekomendasyon kung alin sa mga ito ang angkop para sa iyo.

Huwag mong dapat balewalain, iwasan, o ipagpaliban ang pagkuha ng personal na medikal na payo mula sa iyong doktor o ibang kwalipikadong propesyonal sa kalusugan dahil lamang sa impormasyon o payong nakuha mo mula sa amin.

Sa lahat ng pagkakataon, dapat kang kumonsulta sa mga lisensyadong medikal na propesyonal sa iyong lokal na hurisdiksyon bago sundin ang anumang protokol ng paggamot o uminom ng anumang gamot.


Mga Pagbabawal

Hindi mo dapat abusuhin ang Website na ito. Hindi ka dapat gumawa o maghikayat ng anumang krimen; magpadala o magpakalat ng virus, trojan, worm, logic bomb, o anumang materyal na nakasasama, mapanira sa teknolohiya, lumalabag sa tiwala, o anumang paraang nakakasakit o malaswa; mag-hack o sumira ng anumang bahagi ng Serbisyo; sadyang sirain ang data; Mmng-abala o mang-inis ng ibang mga user; lumabag sa karapatang pagmamay-ari ng iba; magpadala ng hindi hinihinging patalastas o promotional materials, na karaniwang tinatawag na “spam”; O subukang sirain ang performance o functionality ng anumang computer system na ginagamit ng o naa-access sa pamamagitan ng Website na ito. Ang paglabag sa mga probisyong ito ay itinuturing na isang kriminal na paglabag, at maaaring iulat ng Website ang sinumang lalabag sa mga naaangkop na awtoridad at isiwalat ang iyong pagkakakilanlan.

Hindi kami mananagot para sa anumang pagkawala o pinsala na dulot ng distributed denial-of-service attack, virus, o iba pang mapaminsalang teknolohikal na materyal na maaaring makaapekto sa iyong kagamitan, programa, datos, o anumang pagmamay-aring materyal dahil sa paggamit mo ng Website na ito o sa pag-download ng anumang materyal mula rito o mula sa anumang website na naka-link dito.


Intelektwal na Pagmamay-ari, Software at Nilalaman

Ang mga karapatan sa intelektwal na pag-aari ng lahat ng software at nilalaman (kabilang ang mga larawang potograpiko) na makikita o naipagkakaloob sa iyo sa pamamagitan ng Website na ito ay nananatiling pagmamay-ari ng Website o ng mga tagapaglisensya nito at protektado ng mga batas sa copyright at mga kasunduang pandaigdig. Lahat ng nasabing karapatan ay nakalaan sa Website at sa mga tagapaglisensya nito. Maaari mong i-store, i-print, at ipakita ang nilalaman para lamang sa iyong pansariling paggamit. Hindi ka pinapayagang i-publish, baguhin, ipamahagi, o kopyahin sa anumang anyo ang mga nilalaman o kopya ng nilalaman mula sa Website na ito, at gamitin ang mga ito para sa anumang negosyo o komersyal na layunin.


Mga Tuntunin at Kondisyon ng Online na Serbisyong Pagpapayo

Ang Serbisyong Pagpapayo ay isang online na serbisyo na iniaalok para sa mga kababaihang nag-iisip na sumailalim sa medikal na aborsyon o may mga katanungan tungkol dito. Ang Serbisyong Pagpapayo ay nakabatay sa mga pandaigdigang kasunduan ukol sa karapatang pantao kung saan pinangangalagaan ang karapatang mabuhay, kalusugan, impormasyon, pagiging kumpidensyal, at pakinabang mula sa siyentipikong pag-unlad. Ang mga sumusunod na kondisyon ay naaangkop sa aming Serbisyong Pagpapayo:

• Nagbibigay lamang kami ng impormasyon at kaalaman tungkol sa ligtas na aborsyon gamit ang mga tableta para sa mga kababaihang nagnanais tapusin ang kanilang pagbubuntis. Hindi ito dapat ipakahulugan bilang paghihikayat o pag-promote ng aborsyon.
• Hindi kami nagbibigay ng gamot o pasilidad para sa medikal na aborsyon.
• Ang medikal na aborsyon ay sakop ng mga lokal na batas sa maraming bansa. Bago ka magdesisyon na sumailalim sa medikal na aborsyon, kinukumpirma mong nabasa at naunawaan mo ang mga batas sa inyong lugar. Maaari mong makita ang buod ng mga lokal na batas tungkol sa medikal na aborsyon dito. Ang impormasyong ito ay para lamang sa iyong kaalaman at maaaring hindi ito laging napapanahon. Hindi kami nagbibigay ng garantiya sa katumpakan nito, at hindi ito pamalit sa legal na payo. Nauunawaan mong ang aming Serbisyong Pagpapayo ay ibinibigay sa pandaigdigang saklaw, at hindi palaging tugma sa lokal na batas o payo ng mga doktor sa inyong lugar. Sa mga ganitong kaso, responsibilidad mong i-verify ang aming impormasyon ayon sa lokal na batas at sundin ang mga ito.
• Responsibilidad mong alamin kung may mga legal na limitasyon sa pag-access ng impormasyon tungkol sa medikal na aborsyon sa inyong lugar. Hindi kami mananagot sa anumang legal na epekto na maaaring idulot ng paggamit ng aming Serbisyo.
• Maari mong ibahagi ang iyong mga tanong sa aming Konsultant sa pamamagitan ng form sa “Contact Us” o “Live Chat” section ng Website.
• Sa paggamit ng “Contact Us,” kailangan mong ibigay ang iyong email address upang maibigay namin ang kaukulang impormasyon sa iyong tanong.
• Ang “Contact Us at Live Chat” ay para lamang sa mga kababaihang kusang naghahanap ng impormasyon tungkol sa medikal na aborsyon at hindi ito dapat gamitin sa maling paraan.
• Walang bayad ang paggamit ng aming Online Counseling Service.
• Kinakailangan mong kumpletuhin ang Online Consultation form upang makagamit ng aming Serbisyong Pangkonsulta.
• Responsibilidad mong magbigay ng tumpak at kumpletong impormasyon tungkol sa iyong kalusugan. Ang hindi pagbigay ng tamang impormasyon ay maaaring makaapekto sa aming payo.
• Upang magamit ang aming live chat at Counseling services, kailangan mong ibigay ang iyong malinaw na pahintulot sa pagkolekta at paggamit ng iyong personal na impormasyon alinsunod sa aming Privacy Policy, at ayon sa mga pamantayang itinakda ng European Union General Data Protection Regulation (GDPR) at iba pang batas ukol sa proteksyon ng personal na impormasyon.
• Maaaring ibahagi ang iyong impormasyon sa mga medikal na doktor na kasama sa aming grupo upang mas mapabuti ang aming Serbisyo.
• Ang aming mga Serbisyo ay ibinibigay sa “as-is” na kalagayan, na walang garantiya ukol sa bisa ng aming Serbisyo o pamamaraan ng medikal na aborsyon. Wala kaming ipinapangakong ang aming Serbisyo ay magiging akma, kapaki-pakinabang, o sapat para sa iyong pangangailangan.


Pagtanggi ng Pananagutan

Sa anumang pagkakataon, ang Website ay hindi mananagot sa anumang uri ng pagkawala o pinsala, kabilang ang personal na pinsala o kamatayan, na dulot ng paggamit ng sinuman sa Website na ito o sa mga Serbisyo, anumang nilalamang nai-post sa Website o ibinahagi ng aming mga tagapayo, o anumang pakikipag-ugnayan sa pagitan ng mga gumagamit ng Website, online man o offline.


Pakikipag-ugnayan sa Website na ito

Maaari mag-link sa aming home page basta't ito ay ginagawa sa patas at legal na paraan at hindi nakasisira sa aming reputasyon o umaabuso rito. Hindi ka maaaring maglagay ng link sa paraang nagpapahiwatig ng anumang uri ng kaugnayan, pag-apruba, o suporta mula sa amin kung wala naman talagang ganoong ugnayan. Hindi ka rin maaaring maglagay ng link mula sa anumang website na hindi mo pag-aari. Ang Website na ito ay hindi maaaring i-frame sa anumang ibang site, at hindi ka rin maaaring gumawa ng link sa anumang bahagi ng Website maliban sa home page. May karapatan kaming bawiin ang pahintulot sa pag-link anumang oras at nang walang paunang abiso.

Pagtatanggi kaugnay ng pagmamay-ari ng mga trademark, larawan ng mga personalidad, at copyright ng ikatlong partido

Maliban kung tahasang ipinahayag, ang lahat ng tao (kabilang ang kanilang pangalan at larawan), mga trademark ng ikatlong partido, nilalaman, serbisyo, at/o lokasyong itinatampok sa Website na ito ay walang anumang kaugnayan, koneksyon, o asosasyon sa Website. Hindi dapat ipagpalagay na may ganitong koneksyon o ugnayan. Ang anumang trademark o pangalan na lumilitaw sa Website na ito ay pagmamay-ari ng kani-kanilang may-ari. Kung may binanggit na trademark o pangalan ng tatak, ito ay ginagamit lamang upang ilarawan o tukuyin ang mga produkto at serbisyo, at hindi nangangahulugang iniendorso o konektado ang mga ito sa Website.


Bayad-pinsala

Sumasang-ayon kang bayaran, ipagtanggol, at panatilihing walang pananagutan ang Website, mga direktor, opisyal, empleyado, konsultant, ahente, at mga kaanib nito kabilang ang mga Tagapayo (Counsellors), laban sa anumang at lahat ng paghahabol, pananagutan, pinsala at/o gastos (kabilang na pero hindi limitado sa bayarin sa abogado) mula sa ikatlong partido na nagmumula sa iyong paggamit ng Website na ito o paglabag sa mga Tuntunin ng Serbisyo.


Pagkakaiba-iba

May karapatan ang Website, ayon sa ganap nitong pagpapasya at anumang oras nang walang abiso, na baguhin, alisin, o palitan ang mga Serbisyo at/o anumang pahina ng Website na ito.


Ang Pagkawalang-bisa

Kung ang anumang bahagi ng Mga Tuntunin ng Serbisyo ay hindi maipapatupad (kabilang ang anumang probisyon kung saan hindi kami mananagot sa iyo), hindi maaapektuhan ang bisa ng iba pang bahagi ng Mga Tuntunin ng Serbisyo. Mananatiling ganap na may bisa ang lahat ng iba pang probisyon. Hangga’t maaari, kung ang anumang probisyon o bahagi nito ay maaaring paghiwalayin upang manatiling may bisa ang natitirang bahagi, ito ay dapat ipakahulugan nang naaayon. Bilang alternatibo, sumasang-ayon ka na ang probisyon ay ayusin at ipakahulugan sa paraang pinakamalapit sa orihinal nitong layunin, ayon sa pinahihintulutan ng batas.


Mga Reklamo

Kami ay may sinusunod na proseso sa paghawak ng mga reklamo upang subukang lutasin ang anumang alitan sa sandaling ito ay lumitaw. Mangyaring ipaalam sa amin kung mayroon kayong mga reklamo o komento.


Pagpapaubaya

Kung ikaw ay lumabag sa mga kundisyong ito at kami ay hindi kumilos, mananatili pa rin ang aming karapatang gamitin ang aming mga legal na karapatan at remedyo sa anumang iba pang sitwasyon kung saan muli mong lalabagin ang mga kundisyong ito.


Kabuuang Kasunduan

Ang mga nabanggit na Tuntunin ng Serbisyo ang bumubuo sa buong kasunduan ng mga panig at pumapalit sa lahat ng naunang kasunduan sa pagitan mo at ng Website. Anumang pagwawaksi sa alinmang probisyon ng Tuntunin ng Serbisyo ay magiging epektibo lamang kung ito ay nakasulat at pirmado ng isang Direktor ng Website.

Okay lang na humingi ng suporta.

Nagbibigay kami ng tamang impormasyon tungkol sa ligtas na aborsyon. Libre, ligtas, at kumpidensyal ang aming counseling at hindi ka huhusgahan. Handa kaming tumulong, kaya mag-message ka na!

Woman with glasses in pink cardigan, white shirt and a safe2choose badge gestures expressively, symbolizing thoughtful abortion support and counseling.