In-update noong Hulyo 2025 ng safe2choose team
Bakit Mahalaga ang Pangangalaga Pagkatapos ng Pagpapalaglag
Ang pagpapalaglag, kung ito man ay isinasagawa nang medikal na gamit ang tableta, o klinikal sa pamamagitan ng vacuum aspiration, na sa ilang mga kaso ay nangangailangan ng oras at pangangalaga upang maka-recover (1)(2).
Bagama’t ang pagpapalaglag ay medyo hindi kumplikadong proseso na may napakakaunting mga panganib, ang pagsunod sa ilang simpleng mga dapat gawin at hindi dapat gawin ay makakatulong na matiyak ang maayos at komportableng paggaling.
Para sa karamihan ng mga tao, bihira ang mga kumplikasyon pagkatapos ng pagpapalaglag, at nakakaranas lamang ng mga kaunting side effects. Gayunpaman, sa pag-aalaga sa mga maliliit na side effects na ito, ang kulang sa impormasyon sa kung ano ang dapat at hindi dapat gawin ay maaaring magpapalala ng sitwasyon.
Ang mga sumusunod ng impormasyon ay makakatulong para malaman kung paano maalagaan ang sarili pagkatapos ng pagpapalaglag upang masiguro ang maayos na paggaling.
Ano ang Mga Dapat Gawin Pagkatapos ng Pagpapalaglag (Mga Dapat Gawin)
Gumamit ng Kontraseptibong Pagpapayo
Bilang bahagi ng suporta pagkatapos ng pagpapalaglag, isinasaalang-alang ng ilang mga tao ang pagpigil sa isa pang hindi gustong pagbubuntis sa pagtanggap ng impormasyon sa mga kontraseptibong paraan, na maaari mong makuha mula sa iyong mga tagapayo sa sexual reproductive health o medikal na tagapayo. Ayon kay Paula H Bednarek, MD, MPH, ang kontraseptibong pagpapayo ay nagsasangkot ng pagsusuri sa iyong mga kagustuhan sa kontraseptibo at pagpapakilala ng iba pang mga opsyon upang mapili mo ang pinakamahusay para sa maikli at pangmatagalan (3).
Mahalagan na malaman: Maaari kang mag-ovulate sa loob ng 8 araw pagkatapos ng pagpapalaglag, ibig sabihin ay posible muli ang pagbubuntis kahit bago dumating ang iyong susunod na regla (minsan sa loob ng 2 linggo). Maaaring mangyari ito kahit na dumudugo ka pa rin. Kung nais mong maiwasan ang pagbubuntis, ikonsidera ang pagsisimula kaagad ng kontrasepsyon.
Sa mga linggo pagkatapos ng iyong pagpapalaglag, maaari kang gumamit ng mga pads sa umpisa para makita kung gaano karami ang pagdurugo. Maaari kang lumipat sa tampon o cup kapag kumportable ka na. Maaari kang bumalik sa iyong mga normal na aktibidad kapag handa ka na.
Ligtas din na makipagtalik kapag handa ka na. Inirerekomenda namin ang pakikinig sa ating sariling mga pagnanasa at pangangailangan ng iyong katawan.
Kung gusto mo, maaari kang kumuha ng pregnancy test 4-5 linggo pagkatapos ng pagpapalaglag upang matiyak na matagumpay ito. Ang pagkuha ng test nang mas maaga ay maaaring magbigay ng maling positibong resulta. Kung ang test ay positibo pa rin sa 5 linggo o kung mayroon ka pa ring mga sintomas ng pagbubuntis, magpatingin sa isang healthcare provider upang masuri kung gumana ang pagpapalaglag.
Pamamahala sa Sariling Pangangalaga sa mga Pisikal na Sintomas
Mayroong ilang mga bagay sa pangangalaga sa sarili pagkatapos ng pagpapalaglag na maaari mong gawin sa bahay. Sa panahon ng pagpapalaglag, maaari kang makaranas ng ilang discomfort o side effects, tulad ng pagdurugo, cramps, pagkapagod, pagdudumi, pagduduwal, at lagnat. Ang ilan sa mga ito ay maaaring tumagal ng ilang araw o linggo, tulad ng mga cramps at pagdurugo, ngunit dapat bumuti ito sa paglipas ng panahon. Maaari kang magsanay ng pangangalaga sa sarili tulad ng pakikinig sa paborito mong musika, pagbibigay sa sarili ng ilang masasarap na bagay tulad ng comfort food[2] , mainit na pagligo, mag-yoga, panonood ng magandang pelikula, uminom ng tsaa para sa ginhawa, paglalakad; at pawiin ang mga side effects sa iba’t ibang paraan, tulad ng paggamit ng mga heat pad para sa cramping; pagpapanatiling hydrated, lalo na kapag nakakaranas ng pagduduwal at pagdudumi; at paglalaan ng oras na manatili sa bahay at magpahinga para maka-recover sa pagod.
Inumin nang Tama ang mga Iniresetang Gamot
Pagdating sa gamot, inirerekomenda ang pag-inom ng ibuprofen sa panahon at pagkatapos ng pagpapalaglag. Ang iba pang mga gamot na katulad ng Ibuprofen (nasa kategorya pa rin ng NSAIDs) na maaaring gamitin ay naproxen, ketoprofen, ketorolac, o diclofenac kung hindi available ang Ibuprofen. Gayunpaman, kung allergic ka sa mga NSAIDs, palaging sundin kung ano ang inireseta sayo ng iyong doktor/healthcare provider. Inirerekomenda ng Planned Parenthood ang ilang mahahalagang gamot, tulad ng ibuprofen at Norco -hydrocodone- para sa pananakit at cramping (5). Gayunpaman, palaging pinakamainam na mag-double check sa iyong healthcare provider o pharmacist tungkol sa anumang gamot na gusto mong inumin upang maibsan ang mga sintomas mo.
Pag-monitor ng mga Babalang Senyales
Pinapayuhan din na subaybayan mo ang mga sintomas at agad na ipaalam sa iyong tagapayo sa pagpapalaglag kung sobra na ang alinman sa mga ito. Ang labis na pananakit/cramping, pagdurugo, at lagnat ay maaaring maging tanda ng mga kumplikasyon, at ang pagbibigay-alam sa iyong tagapayo sa pagpapalaglag ay magbibigay-daan sa iyo na makatanggap ng angkop na paggamot nang mas maaga. Ang sobrang pagdurugo ay maaaring matukoy sa dalawa o higit pang mga basang pads (ganap na puno sa harap hanggang likod, gilid sa gilid) sa loob ng isang oras o mas mababa pa, na tumatagal ng dalawang oras o higit pa. Ang lagnat na 100.4° Fahrenheit (o 38°Celsius) ay itinuturing ding posibleng babalang senyales (5). Maaaring mas mahirap sukatin ang pananakit base sa kalubhaan, ngunit kung naramdaman mong hindi gumagaling ang iyong pananakit kahit na pagkatapos uminom ng gamot, dapat kang makipag-ugnayan sa iyong tagapayo sa pagpapalaglag o healthcare provider.
Humingi ng Emosyonal na Suporta
Ganap na normal na makaranas ng iba’t ibang mga emosyon pagkatapos ng pagpapalaglag—walang ‘tama’ o ‘maling’ paraan para maramdaman. Valid o katanggap-tanggap ang kahit anong nararamdaman mo. Kung komportable ka, ang pakikipag-usap nang bukas sa isang taong pinagkakatiwalaan mo ay maaaring maging mahusay na paraan upang iproseso ang mga emosyon mo.
Ang pagpapahinga sa panahon ng medikal na pagpapalaglag ay hindi mandatoryo, bagama’t inirerekomenda ito para sa mga tao na maging mas komportable. Karamihan sa mga tao ay mas gusto na magpahinga habang matindi ang cramping at pagdurugo. Depende sa nararamdaman mo, maaaring gusto mong ipagpatuloy ang pang-araw-araw na gawain, o mas gusto magpahinga. Muli, may iba’t ibang karanasan ang bawat tao, kaya nakadepende ang lahat sa iyong nararamdaman.
Mga Dapat Tandaan Pagkatapos ng Aborsyon (Mga Hindi Dapat Gawin)
Pisikal na Pagkapagod at Mabigat na Ehersisyo
Maaari kang bumalik sa mga normal mong aktibidad kapag handa ka na. Inirerekomenda namin ang pakikinig sa sariling nais at sa mga pangangailangan ng iyong katawan.
Pagpasok sa Ari ng Babae (Tampons, Pakikipagtalik)
Gumamit muna ng pads para makita kung gaano karami ang pagdurugo mo. Maaari kang lumipat sa tampon o cup kapag kumportable ka na. Ligtas din na makipagtalik kapag sa tingin mo ay handa ka na, ngunit tandaan na maaari kang magbuntis muli agad sa loob ng 2 linggo pagkatapos ng pagpapalaglag, kahit na dumudugo ka pa rin. Maaari kang makipag-chat kay Myka upang matuto nang higit pa tungkol sa mga kontraseptibong opsyon.
Paggamot sa Sarili gamit ang Antibiotics
Ang mga internasyonal na alituntunin sa ligtas na pagpapalaglag – kabilang ang mga mula sa WHO – ay nagkukumpirma na ang mga nakagawiang antibiotics ay hindi kailangan pagkatapos ng pagpapalaglag, dahil napakababa ng panganib ng impeksyon kapag ang proseso ay ginawa nang tama. Gayunpaman, kung nakakaranas ka ng mga babalang senyales tulad ng lagnat, matinding pananakit, o hindi pangkaraniwang discharge, magpatingin kaagad sa doktor. At kung bibigyan ka nila ng mga antibiotics, siguraduhing inumin ang mga ito nang eksakto tulad ng sinabi nila – nakakatulong ito sa iyo na gumaling nang maayos.
Kailan Dapat Humingi ng Medikal na Atensyon
Humingi kaagad ng medikal ng tulong kapag ikaw ay:
- Sobrang nagdurugo na napupuno mo ang 2 o higit pang pads kada oras sa loob ng 2 oras nang magkasunod.
- May lagnat na 100.4°F (38°C) o mas mataas pa na nagsisimula 24 oras pagkatapos uminom ng misoprostol at hindi bumababa pagkatapos uminom ng ibufropen.
- Nakakaramdam ng matinding sakit na hindi nawawala pagkatapos uminom ng gamot sa pananakit tulad ng ibuprofen.
- Mayroong vaginal discharge na amoy mabaho o iba ang hitsura kumpara sa normal na regla.
- Nakakaramdam ng lubhang sakit o mahina.
- May pamumula, pamamaga, o pangangati sa mukha, kamay, o leeg. Ang mga senyales na ito ay maaaring allergic reaction.
- Nahihirapan huminga.
Kung mayroon kang alinman sa mga senyales sa itaas, mangyaring humingi ng medikal na atensyon sa lalong madaling panahon.
Sa kabuuan, bukod sa ilang maliliit na side effects, ang proseso ng pag-recover pagkatapos ng pagpapalaglag ay hindi dapat kumplikado o hindi kasiya-siya. Karamihan sa mga kahirapan ay maaaring pamahalaan sa naaangkop na antas ng pahinga, pangangalaga, at gamot. Hangga’t kumukonsulta ka sa iyong tagapayo sa pagpapalaglag at pangalagaan ang sarili mo ayon sa kanilang payo pati na rin ang mga tips na ibinigay sa itaas, dapat bumuti ang pakiramdam mo sa lalong madaling panahon.
Ang pagpapalaglag ay maaaring isang kumplikadong proseso, parehong pisikal at emosyonal, kaya tandaan na tratuhin ang iyong sarili nang may empatiya at kabaitan. Magsanay ng pagmamahal sa sarili dahil binigyan mo lang ang sarili mo ng isang regalo ng pagpapasya at pagpili kung ano ang pinakamahusay para sa iyo.
FAQs (Mga Madalas Itanong)
Gaano katagal dapat akong magpahinga pagkatapos ng pagpapalaglag?
Bagama’t hindi kinakailangan ang magpahinga, karamihan sa mga tao ay nangangailangan ng ilang araw na pahinga.
Maaari ba akong maligo pagkatapos ng pagpapalaglag?
Oo, maaari kang maligo anumang oras sa panahon o pagkatapos ng proseso ng aborsyon. Sa katunayan, makatutulong ang maligamgam na paligo upang:
- Maibsan ang pananakit at kakulangan sa ginhawa.
- Magdulot ng pagpapahinga at pagbawas ng stress.
Kailan maaari akong makipagtalik muli pagkatapos ng pagpapalaglag?
Maaari kang makipagtalik kapag sa tingin mo ay handa ka na, ngunit tandaan na maaari kang magbuntis muli kaagad sa loob ng 2 linggo pagkatapos ng pagpapalaglag, kahit na dumudugo ka pa rin; samakatuwid, inirerekomenda ang paggamit ng kontrasepsyon kung nais mong maiwasan ang pagbubuntis.
Normal ba na magdugo pagkatapos ng pagpapalaglag?
Oo, karaniwan ang magaan hanggang sa katamtaman na pagdurugo. Humingi ng tulong kapag naging malubha.
- “Abortion with pills.” safe2choose, safe2choose.org/safe-abortion/abortion-pills/. Accessed July 2025.
- “Types of In-Clinic Abortion.” safe2choose, safe2choose.org/safe-abortion/inclinic-abortion/. Accessed July 2025.
- “Contraception: Postabortion.” UpToDate, www.uptodate.com/contents/contraception-postabortion. Accessed July 2025.
- “After Abortion Care: What to Expect After Your Abortion.” Healthline, www.healthline.com/health/after-abortion#side-effects-and-complications. Accessed July 2025.
- “Caring for Yourself After an Abortion.” Planned Parenthood, www.plannedparenthood.org/planned-parenthood-michigan/healthcare/abortion-services/caring-for-yourself-after-an-abortion. Accessed July 2025.
- “FAQ: Post-Abortion Care and Recovery.” UCFS Health, www.ucsfhealth.org/education/faq-post-abortion-care-and-recovery. Accessed July 2025.
- “Do I need to use antibiotics during the abortion?” safe2choose, safe2choose.org/faq/medical-abortion-faq/during-abortion-with-pills/do-i-need-to-use-antibiotics-during-the-abortion. Accessed July 2025.