Laki ng teksto
safe2choose

Impormasyon sa Aborsyon Bawat Bansa

Magkakaiba ang mga batas at access sa aborsyon sa bawat bansa dahil sa mga kultural, relihiyon, at pulitikal na dahilan. Sa ilang bansa, bawal ang aborsyon, habang sa iba naman ay pinapayagan ito ngunit may mga kondisyon depende sa tagal ng pagbubuntis.

Infographic displaying abortion access categories: Permitted per Request, Socioeconomics Grounds, Preserve Health, Save the Life, and Prohibited Altogether.

Mga batas sa aborsyon o pagpapalaglag sa buong mundo

Sa nakalipas na 30 taon, 60 bansa ang nagbigay-daan upang mas mapadali ang pagkuha ng ligtas na aborsyon, pinapayagan ito sa loob ng partikular na panahon; halimbawa, sa loob ng 12 o 14 na linggo ng pagbubuntis. Gayunpaman, 4 sa bawat 10 kababaihan na nasa edad ng reproduksyon ay naninirahan pa rin sa mga lugar na may mahigpit na batas tungkol sa aborsyon. Sa mga lugar na ito, maaaring pinapayagan lamang ang aborsyon sa mga tiyak na kundisyon, gaya ng kapag nalalagay sa panganib ang buhay ng babae o sa kaso ng panggagahasa, o kaya naman ay lubusang ipinagbabawal ito [1,2,3].

Marami pa rin ang kailangang gawin upang matiyak na ang bawat isa ay may karapatang magpasya para sa sarili nilang katawan.

Pag-access sa aborsyon o pagpapalaglag sa buong mundo

Maraming bagay ang maaaring makaapekto sa pagkakaroon ng ligtas at tamang oras na aborsyon. Tinutulungan ng safe2choose sa pamamagitan ng pagbibigay ng tamang impormasyon tungkol sa mga batas at pagkakaroon ng aborsyon sa iba’t ibang bansa.

Availability ng resources o mapagkukunan

Nakadepende rin ang aborsyon sa kung may sapat na gamot, kagamitan, at mga sanay na doktor. Ang mga gamot na Mifepristone at Misoprostol ay kinikilalang ligtas at epektibo, at kasama sa listahan ng World Health Organization (WHO) ng mga mahahalagang gamot.(6,7) Pero sa ilang lugar, hindi madaling makakuha ng mga gamot na ito kaya nagiging mahirap magkaroon ng ligtas at abot-kayang aborsyon.(8,9)

Mga Hadlang sa Batas

May ilang bansa na may mga patakaran tulad ng sapilitang paghihintay ng ilang araw o paghingi ng pahintulot mula sa magulang o asawa. Dahil dito, maaaring maantala ang proseso at mahirapan ang isang tao sa paggawa ng desisyon. (5)

Suliraning Pinansyal at Heograpikal

Ang kakulangan sa pera at malayong lokasyon ng serbisyo ay maaaring maging hadlang sa pagkuha ng aborsyon. Mataas na gastos at pagbiyahe papunta sa klinika ang ilan sa mga dahilan.

Mga impluwensya sa kultura at relihiyon

Ang kultura, relihiyon, at mga paniniwala tungkol sa aborsyon ay maaaring makaapekto sa pag-access ng serbisyo. Dahil sa stigma, maaaring mahirapang magtanong o humingi ng tulong ang mga tao. May ilan ding health worker na tumatangging magsagawa ng aborsyon dahil sa sarili nilang paniniwala. (10).

Alamin ang tungkol sa aborsyon sa iyong bansa

Check out this detailed overview of abortion laws and access in various countries. It includes information on whether abortion is legal, the types of abortion available, and details about abortion pills, including if a prescription is needed and the cost. You will also find information on local organizations and resources for additional support, tips for avoiding scams, and how to reach out to our team for live counseling.

If your country is not listed, please visit our partner website, How to Use Abortion Pills or contact our counselors via email at info@safe2choose.org.

Illustration of a globe with location markers, a gavel, books, a glass of water, and pills, symbolizing global healthcare law and justice.

Latin Amerika at ang Caribbean

Sa Latin America at Caribbean, karamihan sa mga bansa ay may mahigpit na batas tungkol sa aborsyon. Sa mga nakaraang taon, may ilang bansang nagbago ng batas para bigyan ng mas malawak na access ang mga tao sa aborsyon. Ang pagbabagong ito ay naimpluwensyahan ng "Green Wave" na isang kilusan para sa karapatan sa reproduktibong kalusugan. Pero kahit may mga pagbabago, nananatili pa ring hadlang ang malalakas na paniniwalang relihiyoso at konserbatibo sa maraming bahagi ng rehiyon.

Map of Latin America and the Caribbean showing abortion laws and access info

Argentina

Noong 2020, pinayagan na sa Argentina ang aborsyon hanggang 14 na linggo ng pagbubuntis. Isa itong malaking tagumpay para sa kilusang feminist at kababaihan sa rehiyon.

Colombia

Noong 2022, pinayagan na ng Colombia ang aborsyon hanggang 24 na linggo ng pagbubuntis. Isa itong mahalagang halimbawa para sa rehiyon.

Mexico

Iba-iba ang batas ng aborsyon sa bawat estado. Sa iba, pinapayagan ito hanggang 12 linggo ng pagbubuntis. Noong 2021, tinanggal ng Korte Suprema ang parusa sa aborsyon, pero hindi pa rin ito pantay na naipapatupad sa lahat ng lugar.

Brazil

Sa Brazil, bawal ang aborsyon maliban na lang kung ang babae ay nabuntis dahil sa panggagahasa, nasa panganib ang kanyang buhay, o may malubhang problema ang sanggol sa sinapupunan.

El Salvador

Ang bansang ito ay may isa sa pinakamahigpit na batas laban sa aborsyon sa buong mundo. Bawal ang aborsyon sa lahat ng pagkakataon, kahit pa nasa panganib ang buhay ng ina. Ang sinumang magpa-aborsyon o tumulong dito ay maaaring makulong.

Dominican Republic

Sa Dominican Republic, mahigpit na ipinagbabawal ang aborsyon at pinapayagan lamang kung nasa panganib ang buhay ng ina. Gayunpaman, patuloy ang mga talakayan at pagsisikap na baguhin ang batas, lalo na para sa mga kaso ng panggagahasa, incest, o malubhang problema sa sanggol sa sinapupunan.

Mga totoong kwento mula sa ating komunidad

Basahin ang mga totoong kwento at karanasan ng mga taong nagtiwala sa safe2choose. Ang mga patotoong ito ay nagpapakita ng suporta at gabay na aming ibinibigay, at kung paano nakaapekto ang aming serbisyo sa kanilang buhay.

Illustration of two women talking: one, a safe2choose counselor, with curly hair in teal floral dress, the other with long black hair in yellow floral dress sharing real stories from the community

Even though I was still very apprehensive, I decided to trust them and share my despair. To my surprise, I was warmly welcomed by the counselors and received all the guidance I needed.

I reached out here because I was desperate and didn’t know who to turn to. I had been searching on Google and found this wonderful team. Even though I was still very apprehensive, I decided to trust them and share my despair. To my surprise, I was warmly welcomed by the counselors and received all the guidance I needed. I was quickly referred to the appropriate place, where I was also treated with great care, and I was able to have my abortion in about a week. It was a very positive experience, with kind support and without judgment.

Anonymous, Brasil

Age: 40, October 2025

I don’t feel ready to have another baby. They inserted a copper IUD incorrectly, and I got pregnant.


I decided to have an abortion because I don’t feel ready to have another baby. They inserted a copper IUD incorrectly, and I got pregnant. My baby was born six months ago, I had postpartum depression, and it’s still hard to feel like I’m doing things right. I don’t think a new baby deserves all the stress from work, a small child, and a complicated relationship. The baby’s father didn’t want the pregnancy either.
After the abortion, I felt very guilty. I’m still sad about what happened because I tried to take care of myself and this still happened. I didn’t know what to do or where to go because abortion is illegal in my country. I found this page, and they helped me a lot and gave me contacts to make this a safe process, especially because I had the IUD and that complicated things.
If you’re in a similar situation, the best thing is to talk about it and cry as much as you need to let the grief out. I don’t think this is easy for anyone, especially if you’re a first-time mom.
Also, it’s better to be well informed about contraceptive methods and their side effects... I learned that you have to visit several doctors to get different opinions and inform yourself better. The copper IUD was inserted at my public health provider very soon after my C-section and didn’t protect me for even six months, and it caused this situation that I will never forget.

Anonymous, Bolivia

Age: 30, October 2025

In a country where choice is denied, discovering support reaffirmed the belief in personal freedom.

It was amazing to know that even in a country where we are told we have no choice, there are people out there that still believe in a persons right to choose what to do with their life. Keep up the great work!

Anonymous, Costa Rica

Age: 29, May 2025

I am very grateful to them. Be sure that they will take good care of you, no matter where you are. You are the one to decide, but you will never be alone.

Fear was the first feeling I had when I found out I was pregnant. But after I contacted safe2choose, they made me feel safe and confident that they would guide me through the process. The process was very private and easy, and the counselors truly gave me the attention I needed. I am very grateful to them. Be sure that they will take good care of you, no matter where you are. You are the one to decide, but you will never be alone.

Anonymous, Meksiko

Age: 28, July 2024

0/0
User questioning herself, face resting on hand, question mark above her head

KARAGDAGANG IMPORMASYON

Mga madalas itanong tungkol sa pag-access sa aborsyon o pagpapalaglag

Ang mga dahilan kung bakit maaaring piliin ng isang tao na magpa-aborsyon ay lubos na personal at nag-iiba-iba depende sa bawat indibidwal. Kapag pinili ng isang tao ang magpa-aborsyon, kadalasan ay ginagawa ang desisyong ito matapos ang maingat na pag-isip sa maraming salik, kabilang ang mga personal, pangkalusugan, pinansyal, at pampamilyang kalagayan. Sa huli, ang pagpili ng isang tao tungkol sa kaniyang katawan at kalusugang reproduktibo ay isang pribadong usapin. May karapatan ang bawat isa na gumawa ng mga desisyong pinakamainam para sa kaniyang sariling buhay at sitwasyon, at mahalagang igalang ang kalayaang iyon nang walang panghuhusga o panghihimasok.

KAPAKI-PAKINABANG NA MATERYALES

Sumunod, Matuto, at Ibahagi

Maghanda para sa iyong pagpapalaglag

Upang mas makapaghanda para sa iyong pagpapalaglag, tingnan ang mga sumusunod na page:

Mga Pinakabagong Post sa Ligtas na Pangangalaga sa Pagpapalaglag

Manatiling updated sa mga pinakabagong development, balita, at impormasyon gamit ang safe2choose. Mula sa mga advancement sa Reproductive health hanggang sa mahahalagang anunsyo at kwento mula sa aming komunidad, ang aming Articles Page ay nagpapanatili sa iyo ng kaalaman at pakikipag-ugnayan sa pinakabagong impormasyon.

Makipag-ugnayan sa amin.

Okay lang na humingi ng suporta

Kung may tanong ka o hindi mo nahanap ang kailangan mo, bisitahin lang ang aming counseling page o makipag-ugnayan sa amin sa ibang paraan.