safe2choose

Pagpapalaglag Gamit ang mga Tableta: Ligtas, Pribado at Epektibo

Ang medikal na pagpapalaglag ay karaniwang kilala bilang pagpapalaglag gamit ang mga tableta. Itinuturing ito ng ilang tao bilang sariling pagpapalaglag, sariling pamamahala ng pagpapalaglag, o do-it-yourself (DIY) na pagpapalaglag.

Kung gumamit ka ng pampalaglag gamit ang mga tableta, makakaranas ka ng pagdurugo at posibleng paghilab. Ang mga sintomas ay halos kapareho ng iyong pagreregla o kapag nakunan (natural na pagpapalaglag).

Ang terminong "mga tableta sa pagpapalaglag" ay karaniwang tumutukoy sa mifepristone at misoprostol na magkakasunod o misoprostol lamang.

Mife & Miso video

Miso only

Two hands holding a glass of water and yellow pill package of abortion tablets, surrounded by icons of lock, profile, stopwatch, and group, symbolizing safe, private, and effective abortion with pills.

Ano ang Mga Tableta sa Pagpapalaglag?

Paano Gumagana ang Mifepristone?

-

Ang Mifepristone ay isang gamot na humaharang sa daloy ng progesterone – isang hormone na sumusuporta sa pagbubuntis. Kung walang progesterone, hindi magpapatuloy ang pagbubuntis.

-

Pinalalambot din ng Mifepristone ang cervix (mababang bahagi ng matris) na magpapalakas sa epekto ng Misoprostol.

-

Isaalang-alang na ang paggamit lamang ng Mifepristone ay hindi sapat upang maging sanhi ng pagpapalaglag; kailangan mo pa ring gumamit ng Misoprostol.

-

Ang Mifepristone ay pangunahing ginagamit para sa pagpapalaglag o para makunan kaya depende sa mga batas at paghihigpit sa bawat bansa, kung minsan ay mahirap ito mahanap.

Paano Gumagana ang Misoprostol?

-

Ang Misoprostol ay isang gamot na nagiging sanhi ng paggalaw ng matris (para mag-contract), at makakatulong ito upang wakasan ang pagbubuntis, na nagsasanhi ng cramping at pagdurugo.

-

Ang medikal na pagpapalaglag ay maaaring maisagawa gamit ang Misoprostol nang walang Mifepristone, ngunit mas epektibo itong gamitin nang magkasama ang parehong mga gamot.

-

Ang Misoprostol ay may iba pang mga medikal na gamit maliban sa pagpapalaglag (induce labor, postpartum na hemorrhage, ulser, atbp), kaya kadalasang mas laganap o available ito.

A short-haired woman wearing an over, thinking about how a medical abortion or abortion with pills work, depicitng frequently asked questions

Mga madalas itanong

Hindi nakakaapekto ang paggamit ng mifepristone at misoprostol para wakasan ang pagbubuntis sa mga susunod na pagbubuntis at hindi nagdudulot ng depekto sa sanggol sa hinaharap. Mabilis na nailalabas ng katawan ang mga gamot na ito at wala itong pangmatagalang epekto sa fertility o kalusugan ng reproduktibo, kaya normal pa ring mabubuo ang mga susunod na pagbubuntis. Kung plano mong magbuntis muli, ligtas itong gawin anumang oras na handa ka na.

KONTAK AT SUPORTA

Pagkuha ng suporta at pagpapayo sa aborsyon o pagpapalaglag

Nag-aalok kami ng impormasyong nakabatay sa ebidensya tungkol sa ligtas na aborsyon. Ang aming libreng serbisyo sa pagpapayo ay ligtas, kumpidensyal, kumbinyente, at walang paghuhusga. Hinihintay namin ang iyong mensahe!

Mula sa safe2choose team at mga sumusuportang eksperto sa carafem, batay sa 2022 Abortion Care Guideline ng WHO; ang 2023 Clinical Updates sa Reproductive Health ng Ipas at ang 2024 Clinical Policy Guidelines para sa Pangangalaga ng Aborsyon ng NAF.

Ang safe2choose ay suportado ng isang Medical Advisory Board, na binuo ng mga nangungunang eksperto sa larangan ng Sexual and Reproductive Health and Rights (SRHR).

Nagbibigay ang carafem ng maginhawa at propesyonal na pangangalaga sa aborsyon o pagpapalaglag at pagpaplano ng pamilya upang makontrol ng mga tao ang bilang at espasyo ng kanilang mga anak.

Ang Ipas ay isang internasyonal na organisasyon na nakatuon sa pagpapalawak ng access sa ligtas na aborsyon o pagpapalaglag at kontraseptibong pangangalaga.

WHO - ang World Health Organization - ay isang dalubhasang ahensya ng United Nations na responsable para sa internasyonal na pampublikong kalusugan.

NAF – ang National Abortion Federation – ay isang propesyonal na asosasyon sa USA na sumusuporta sa ligtas, batay sa ebidensya na pangangalaga sa aborsyon o pagpapalaglag at mga reproductive na karapatan.