safe2choose

Calculator ng Pagbubuntis

Kapag nakumpirma na ang pagbubuntis, mahalagang malaman muna kung ilang linggo na ito bago magdesisyon tungkol sa aborsyon.

Nandito kami para suportahan ka sa prosesong ito.

Sa safe2choose, nagbibigay kami ng malinaw na impormasyon at gabay para matulungan kang magdesisyon tungkol sa pagwawakas ng pagbubuntis. Layunin naming bigyan ka ng kaalaman at tiwala sa sarili para makapili ng pinakamainam na desisyon para sa iyong sitwasyon.

Bakit nga ba mahalaga ang pagkumpirma ng pagbubuntis at edad ng pagbubuntis

Mahalagang malaman kung gaano na katagal ang pagbubuntis, kung ipagpapatuloy mo man ito o hindi, dahil sa mga sumusunod na dahilan:

Illustration of hands holding a positive pregnancy test with two lines. The background is light blue, evoking a feeling of surprise or anticipation.
Light blue square with white checkmark and turquoise hand icon pointing at it, symbolizing making informed decisions.

Maaari kang gumawa ng impormadong desisyon

Ang pagkumpirma ng iyong pagbubuntis at pag-alam kung ilang linggo na ito ay makatutulong sa iyo na makagawa ng tamang desisyon at makapagplano nang maayos.

Light blue heart icon with a darker blue medical cross overlay, symbolizing safety, health, and medical assistance.

Kaligtasan at kalusugan

Magkakaiba ang inirerekomendang paraan ng aborsyon depende sa yugto ng pagbubuntis. Ang pag-alam kung ilang linggo na ang pagbubuntis ay makatutulong upang matukoy ang pinakaligtas at pinakaepektibong paraan na dapat gamitin.

Light blue house icon with white checkmark and smaller teal speech bubble with lines, representing legalities and local accessibility.

Mga legalidad at lokal na accessibility

Hindi pantay-pantay ang access sa aborsyon sa buong mundo. Sa ilang bansa at lugar, pinapayagan ito pero may limitasyon batay sa haba ng pagbubuntis. May mga paraan din ng aborsyon na puwedeng gamitin lamang sa ilang linggo ng pagbubuntis.

Chat icon with heart symbol representing safe abortion guidance, emphasizing that accurate information helps reduce anxiety and prepares emotionally.

Kalusugan ng isip at emosyonal na kahandaan

Ang malinaw na impormasyon ay nakatutulong mabawasan ang kaba at naghahanda sa iyo sa mga susunod na hakbang.

Mahalagang Gumamit ng Mapagkakatiwalaang Pregnancy Test.

Kadalasan, ang hindi pagdating ng regla ay senyales ng pagbubuntis, pero may iba pang dahilan kung bakit ito naaantala o hindi dumarating. Kaya mas mabuting gumamit muna ng mapagkaktiwalaang pregnancy test bago gumamit ng pregnancy calculator. Maaaring gumamit ng home pregnancy test o magpatingin sa health worker para makakuha ng tamang impormasyon.

Hindi mo dapat gamitin ang abortion pills kung hindi pa kumpirmado ang pagbubuntis gamit ang mapagkaktiwalaang pregnancy test at kung hindi mo pa alam kung ilang linggo na ang pagbubuntis.

Illustration in three parts showing a urine test in a hand, a gloved hand holding a blood test, and another gloved hand holding an ultrasound device.
Ang maagang pagkumpirma ng pagbubuntis ay tumutulong sa iyo na makagawa ng tamang hakbang para sa iyong kalusugan at pag-isipan ang iyong mga pagpipilian.

Kakalkulahin kung Ilang Linggo Ka Nang Buntis

Upang kalkulahin kung ilang linggo ang pagbubuntis, bilangin ang bilang ng mga linggo at araw mula sa unang araw ng iyong huling regla (last menstrual period o LMP). Mahalagang simulan ang pagbilang mula sa araw na iyon dahil nakakatulong ito sa pagtatantya kung kailan inilabas at na-fertilize ang itlog.

A hand holding a cellphone displaying a menstrual tracker, illustrating period tracking and reproductive health monitoring.

Ang pinakamabisang paraan para malaman kung ilang linggo na ang pagbubuntis:

alamin ang eksaktong petsa na nagsimula ang iyong huling regla;

tantyahin ang malapit na petsa kung hindi mo matandaan ang eksaktong araw ng iyong LMP; at

gumamit ng ibang paraan kung hindi mo maalala ang buwan o kung ito ay sa simula o katapusan ng buwan.

Mag-ingat sa ilan sa mga karaniwang pagkakamaling ito; HUWAG kalkulahin sa pamamagitan ng pagbibilang mula sa:

araw na hindi ka dinatnan ng regla;

araw ng pakikipagtalik; at

araw na sa tingin mo ay nabuntis ka.

Pregnancy Calculator

Kung kailangan mo ng tulong sa pagbilang ng linggo ng pagbubuntis, gamitin ang aming pregnancy calculator. Piliin lang ang unang araw ng huling regla mo, at magsimula.

Paano gamitin ang calculator ng pagbubuntis

Pagpili ng mga paraan ng aborsyon o pagpapalaglag ayon sa edad ng pagbubuntis

0

May ilang ligtas na paraan ng aborsyon, at karaniwan, ang pipiliing paraan ay nakadepende sa kung ilang linggo na ang pagbubuntis. Minsan, may mga pamamaraang maaaring gamitin sa parehong yugto ng pagbubuntis. Ang pagpili mo ay maaaring maapektuhan din ng lugar kung saan ka nakatira, kung anong kagamitan o serbisyo ang available, at kung ano ang mas gusto mo o nirerekomenda ng iyong doktor.

Iba’t ibang paraan ng aborsyon ang maaaring gawin depende sa tagal ng pagbubuntis:

Three circles on light background, two large light blue overlapping and a smaller dark blue above, representing safe medical abortion at home below 13 weeks.

Ang aborsyon gamit ang pills o medical abortion (MA)

Ang aborsyon gamit ang pills o medical abortion (MA) ay ligtas gawin sa bahay kung ang pagbubuntis ay wala pang 13 linggo. Kapag lampas 13 linggo na, mas kailangan ng pag-iingat at mas mainam na gawin ito sa klinika o ospital.

Stylized blue fire hydrant icon representing Manual Vacuum Aspiration (MVA), a safe abortion method for pregnancies up to 14 weeks.

Ang Manual Vacuum Aspiration (MVA)

Ang Manual Vacuum Aspiration (MVA) ay isang paraan ng pag-aalis ng laman ng matres na karaniwang ginagawa hanggang 14 na linggo ng pagbubuntis. Isinasagawa ito ng isang bihasang health worker sa klinika o health center.

Teal fire hydrant icon tilted right on light blue background, symbolizing Electric Vacuum Aspiration (EVA) abortion method.

Ang Electric Vacuum Aspiration (EVA)

Ang Electric Vacuum Aspiration (EVA) ay isang paraan ng aborsyon na kadalasang ginagawa hanggang 15 linggo ng pagbubuntis. Isinasagawa ito ng bihasang health worker sa klinika o ospital.

Icon representing dilation and evacuation (D&E) abortion procedure

Ang Dilation and Evacuation (D&E)

Ang Dilation and Evacuation (D&E) ay karaniwang paraan ng aborsyon para sa mga pagbubuntis na lampas 14 na linggo. Isinasagawa ito ng bihasang health worker sa klinika o ospital.

Dark teal engine with wires icon on light blue background, representing Dilation and Evacuation (D&E) second-trimester abortion method.

Ang induction abortion

Ang induction abortion, kapag ginamit, ay karaniwang paraan ng aborsyon para sa mga pagbubuntis na lampas 16 na linggo. Isinasagawa ito ng bihasang health worker sa klinika o ospital.

OUTDATED
Syringe and medicine vial icon on light blue background, representing induction abortion used in second and third trimester pregnancies.

Ang Dilation and Curettage (D&C)

Ang Dilation and Curettage (D&C) ay isang luma nang paraan ng aborsyon at kadalasan ay napalitan na ng mas ligtas na mga pamamaraan tulad ng uterine aspiration (MVA/EVA) at Dilation and Evacuation (D&E) (1)(5). Bagaman ginagawa pa rin ito sa ilang bahagi ng mundo, mas inirerekomenda namin ang paggamit ng mas ligtas na mga paraan.

Mga madalas itanong tungkol sa Pregnancy Calculator

Makakatulong ang isang calculator sa pagbubuntis upang tantiyahin kung gaano na katagal ang iyong pagbubuntis, ngunit hindi ito laging eksakto. Pinakamainam ang resulta kung tama ang iyong ilalagay na impormasyon, tulad ng unang araw ng iyong huling regla. Kung hindi regular ang iyong pagreregla o hindi ka sigurado sa mga petsa, maaaring hindi gaanong maaasahan ang resulta. Gayunpaman, maaari ka pa rin nitong bigyan ng pangkalahatang ideya kung gaano na katagal ang iyong pagbubuntis, na makakatulong upang magabayan ka sa tamang opsyon para sa aborsyon. Kung hindi ka sigurado, pinakamabuting alamin ang iba pang paraan upang matukoy ang edad ng pagbubuntis mo. Kontakin kami para sa suporta.

Illustration of a thoughtful woman with long hair, wearing a floral yellow top and blue pants. She touches her chin, next to a speech bubble with a question mark.

Makipag-ugnayan sa amin.

Okay lang na humingi ng suporta.

Kung hindi mo makita ang hinahanap mo o kailangan mo pa ng tulong, makipag-ugnayan sa amin sa counseling page o sa aming mga contact channels. Nandito kami para sagutin ang iyong mga tanong tungkol sa pagbubuntis, mga opsyon sa aborsyon, o pag-aalaga pagkatapos ng aborsyon – kontakin mo lang kami!