safe2choose

Kumpirmasyon sa Pagbubuntis

Naiintindihan namin na ang pagharap sa isang posibleng hindi planadong pagbubuntis ay maaaring maging lubhang nakaka-stress at nakakabahala. Sa safe2choose, nagbibigay kami ng malinaw na impormasyon at suporta para tulungan kang magdesisyon tungkol sa sa paghinto ng pagbubuntis. Ginawa ang aming mga gabay para bigyan ka ng sapat na kaalaman at tiwala sa sarili upang makapili ng tamang desisyon para sa iyong kalagayan.

A woman with long hair and hoop earrings holds a positive pregnancy test. A speech bubble shows two pink lines. The mood is reflective and emotional.

Tungkol sa pagbubuntis at aborsyon

Mahalagang maintindihan ang mga yugto ng pagbubuntis at ang mga posibleng pagpipilian, gaya ng pagpapalaglag, para makagawa ng tamang desisyon tungkol sa iyong reproductive health.

Hindi inirerekomenda ng safe2choose ang pag-inom ng pills para sa pagpapalaglag kung hindi pa kumpirmado ang pagbubuntis gamit ang maaasahang pregnancy test at kung hindi pa alam kung gaano na katagal ang pagbubuntis.

Illustration of a woman with curly hair holding a box labeled "Contraceptive." They are explaining a diagram of a uterus and ovary, with an informative tone.

Mga sintomas ng pagbubuntis

Ang mga sintomas ng pagbubuntis ay maaaring magkaiba-iba depende sa tao, at hindi palaging sabay-sabay o pare-pareho ang tindi ng nararamdaman. Narito ang ilang karaniwang maagang palatandaan ng pagbubuntis na maaaring isaalang-alang kung pinaghihinalaan mong ikaw ay buntis:

Illustration of a woman in a yellow floral top holding a smartphone, looking thoughtful, with a speech bubble showing a sperm icon, representing pregnancy symptoms.
Preview Eyes

Tandaan, Maaaring maranasan mo ang mga senyales na ito dahil sa ibang dahilan, gaya ng karamdaman o nalalapit na pagreregla. Maaari rin na ikaw ay buntis kahit wala kang nararamdamang alinman sa mga sintomas na ito.

Icon of a calendar page with a crossed-out burgundy leaf on pink background, symbolizing a missed period and possible pregnancy.
Hindi Pagdating ng Regla

Kung mahigit isang linggo nang huli ang iyong inaasahang regla, posibleng ikaw ay buntis. Gayunpaman, ang iregular na siklo o ilang kondisyon sa kalusugan ay maaari ring makaapekto rito.

Icon symbolizing tender breasts from hormonal changes as an early pregnancy symptom
Pagiging Sensitibo ng Dibdib

Maaaring maging mas sensitibo o masakit ang iyong dibdib dahil sa mga pagbabago sa hormones sa simula ng pagbubuntis.

Silhouette of a person sneezing or coughing with arrow showing airflow, in light pink and dark red tones, representing nausea or morning sickness.
Pagduduwal

Maaaring makaranas ng pagduduwal, may kasamang pagsusuka o wala. Kilala ito bilang morning sickness at kadalasang nagsisimula isa hanggang dalawang buwan matapos ang pertilisasyon.

Icon of a dark red cloud with four diagonal raindrops, symbolizing frequent urination during early
Madalas na Pag-ihi:

Maaaring mas madalas kang umihi kaysa karaniwan.

Icon of a mostly empty pink battery with minimal dark red fill, symbolizing low energy or fatigue, a common early pregnancy symptom.
Pagkapagod

Ang paliramdam na laging pagod ay isa pang karaniwang maagang sintomas ng pagbubuntis.

Pink pregnancy test with two dark pink lines on a light pink background, indicating a positive result after a missed period.

Kung hindi ka dinatnan at napapansin mo ang mga ganitong senyales, mabuting kumuha ng pregnancy test dalawang linggo matapos ang hindi protektadong pakikipagtalik upang makakuha ng mas tiyak na resulta.

Lumampas na regla

Ang hindi pagdating ng regla ay isa sa mga unang palatandaan ng posibleng pagbubuntis. Pero tandaan, may iba pang dahilan kung bakit maaaring ma-late o hindi dumating ang iyong buwanang dalaw bukod sa pagbubuntis.

Narito ang ilang posibleng dahilan:

Kulang sa tulog

Hirap sa pagtulog (insomnia)

Hindi sapat ang nutrisyon

Pagbabago sa timbang (pagbaba o pagdagdag ng timbang)

Matinding stress o traumatikong karanasan

Pagbabago sa araw-araw na gawain

Paginom ng gamot

Pagkakaroon ng problema sa hormones

May iba pang iniindang sakit

Uminom ng emergency contraceptive (morning after pill)

Ang mga sanhi ng pagkaantala ng pagdating ng regla ay maaaring mula sa simpleng pagbabago sa hormones hanggang sa mas seryosong isyung medikal. Kaya lubos na inirerekomenda ang pagkuha ng pregnancy test upang makumpirma ang kalagayan at mawala ang pangamba o pagdududa.

Kung nakakaranas ka ng amenorrhea, o ang hindi pagkakaroon ng regla sa loob ng tatlong sunod-sunod na buwan, mainam na kumonsulta sa iyong doktor o healthcare provider upang masuri at mabigyan ng tamang atensyong medikal.

MAPAGKAKATIWALAANG PREGNANCY TEST

Mahalaga na kumpirmahin ang iyong pagbubuntis gamit ang isang mapagkakatiwalaang Pregnancy test.

Ang maagang pagtukoy kung ikaw ay buntis ay makakatulong sa pag-aalaga ng iyong kalusugan at paggawa ng mahahalagang desisyon. Bago magpatuloy, mahalagang tiyakin kung ikaw nga ay buntis gamit ang isang maaasahang pagsusuri.

Maaari kang kumuha ng home pregnancy test na madaling mabibili sa mga botika, tindahan, o makuha sa mga health center, o kaya'y magpunta sa doktor para sa mas mapagkakatiwalaang pagsusuri.

Teal speech bubble icon with exclamation mark in center, symbolizing an alert about unreliable homemade pregnancy tests using vinegar, shampoo, or bleach.

Maaaring narinig mo na ang tungkol sa mga home test sa pagbubuntis gamit ang suka, shampoo, o bleach pero hindi ito maaasahan.

May ilang tao na sumusubok nito kapag wala silang pambili ng totoong pregnancy test, ayaw nilang malaman ng iba, o hindi sila makapaghintay.Sinasabi ng iba na gumagana ito dahil may reaksyon daw sa pagitan ng mga bagay na ito at ng hormone na lumalabas kapag buntis ang isang tao, na tinatawag na hCG.

Pero walang matibay na ebidensya na totoo o tumpak ang mga ganitong klaseng test.

Ang pinaka-mabuting paraan para makasiguro kung buntis ka ay ang paggamit ng tunay na pregnancy test gaya ng urine test o blood test na mas tumpak at maaasahan.

Mga pagsusuri upang makumpirma ang pagbubuntis

May tatlong (3) maaasahang paraan para malaman kung buntis ka. Depende sa iyong sitwasyon, puwede mong piliin kung alin ang pinaka-angkop para sa iyo.

Illustration of a hand with pink nails holding three white urine test stripes on a blue and gray background, representing urine test results.
Urine test

Ang urine test ay isang madaling paraan para malaman kung buntis ka. Tinitingnan nito kung may pregnancy hormone sa ihi mo. Madali itong gamitin.Mahalaga ring tandaan na ang lahat ng pregnancy urine test ay may takdang oras kung kailan dapat basahin ang resulta. Para sa karamihan ng mga pagsusuri, ito ay 3-5 minuto. Kapag tumagal ng ilang oras bago basahin, maaaring magbigay ito ng maling resulta, kaya laging tingnan ang “read time” sa pregnancy kit at basahin ito sa inirerekomendang oras.

Kailan ako maaring mag-Pregnancy test?

Kapag buntis ang isang tao, gumagawa ang katawan ng hormone na tinatawag na hCG. Ito ang hormone na hinahanap ng pregnancy test sa ihi o dugo.

Dahil tumatagal nang hindi bababa sa 2 linggo bago makita ang hCG sa katawan, mas tumpak ang resulta kung gagawin ang test sa tamang oras:

Urine test: Gawin 2 linggo matapos ang hindi protektadong pagtatalik o 1–2 linggo pagkatapos ma-delay ang regla. Kung masyado itong maaga, maaaring lumabas na negatibo kahit buntis ka.

Blood test: Puwedeng gawin nang mas maaga kaysa urine test at mas tiyak ang resulta.

Ultrasound image used to confirm pregnancy, part of safe2choose’s guidance resources

-Ultrasound: Inirerekomendang gawin ito pag lampas ng 4 na linggo ng pagbubuntis. Kapag masyadong maaga, maaaring wala pang makita sa test at magdulot lang ng pagkalito.

Ano ang susunod pagkatapos makumpirma ang pagbubuntis (Pregnancy Calculator)

Ang pagharap sa isang hindi inaasahang pagbubuntis ay maaaring maging mahirap at nakakalito. Pero mahalagang malaman na may mga opsyon ka. Pwede mong ituloy ang pagbubuntis at maging magulang, Puwede mo rin itong ituloy at ipaampon ang sanggol, Puwede mo rin itong ituloy at ipaampon ang sanggol. Iba-iba ang epekto ng bawat opsyon sa buhay mo, kaya mahalaga na piliin ang sa tingin mo ay pinaka-angkop para sa iyo.

Kung iniisip mong magpalaglag o aborsyon, narito ang mga susunod na hakbang na puwede mong gawin pagkatapos makumpirma ang pagbubuntis:

Ang pagsunod sa mga hakbang na ito ay makakatulong sa iyo na maging mas may alam at mas may tiwala sa sarili habang pinag-iisipan mo ang iyong mga pagpipilian.

Alamin kung ilang linggo ka nang buntis.

Mahalagang malaman kung ilang linggo ka nang buntis dahil dito nakabatay kung anong klase ng pagpapalaglag ang pwede sa'yo. Madali lang ito bilangin, at may simple at maaasahang Pregnancy Calculator ang safe2choose na makakatulong sa'yo.

Alamin ang mga opsyon sa pagpapalaglag.

May dalawang karaniwang paraanng aborsyon: pag-inom ng gamot o pagpapalaglag sa klinika. Alamin kung alin ang mas bagay sa iyo at kung paano ka makakakuha ng tamang tulong.

Unawain ang mga batas tungkol sa aborsyon.

Ang pagsunod sa mga hakbang na ito ay makakatulong sa iyo na maging mas may alam at mas may tiwala sa sarili habang pinag-iisipan mo ang iyong mga pagpipilian.

Illustration of a thoughtful woman with long hair, wearing a yellow floral top, touching her chin. A question mark in a bubble signifies curiosity.

Mga Madalas Itanong o Frequently Asked Questions (FAQs)

Hindi kailangan ang ultrasound pagkatapos ng aborsyon gamit ang tableta. Bagama’t maaari nitong makumpirma na naging matagumpay ang proseso, kung ginawa nang maaga, maaari rin nitong ipakita ang dugo o mga laman sa matris, na normal lamang sa mga unang linggo. Maaaring magmungkahi ang ilang tagapagbigay ng serbisyong pangkalusugan ng karagdagang mga pamamaraan, gaya ng vacuum aspiration (MVA) o curettage (D&C), batay dito, kahit na hindi naman talaga kinakailangan.

Kinakailangan lamang ang ultrasound kung may mga palatandaan ng kumplikasyon, tulad ng matinding pagdurugo o impeksyon, o kung may pangamba na hindi naging matagumpay ang proseso. Kung maayos ang lahat gaya ng inaasahan, ang pinakasimpleng paraan upang makumpirma na matagumpay ang aborsyon ay sa pamamagitan ng paggamit ng pregnancy test sa bahay mga 4–5 linggo matapos inumin ang mga tableta.

Suporta sa Ligtas na Pagpapayo Tungkol sa Aborsyon

Okay lang na humingi ng suporta.

Nagbibigay kami ng ligtas at tamang impormasyon tungkol sa aborsyon. Libre ang aming counseling, ligtas, kumpidensyal, at walang paghusga. Hinihintay namin ang iyong mensahe!

Ang safe2choose team at mga sumusuportang eksperto sa carafem, batay sa 2022 Abortion Care Guideline ng WHO; ang 2023 Clinical Updates sa Reproductive Health ng Ipas at ang 2024 Clinical Policy Guidelines para sa Pangangalaga ng Aborsyon ng NAF.

Ang safe2choose ay suportado ng isang Medical Advisory Board na binuo ng mga nangungunang eksperto sa larangan ng Sexual and Reproductive Health and Rights (SRHR).

Nagbibigay ang carafem ng maginhawa at propesyonal na pangangalaga sa aborsyon o pagpapalaglag at pagpaplano ng pamilya upang makontrol ng mga tao ang bilang at espasyo ng kanilang mga anak.

Ang Ipas ay isang internasyonal na organisasyon na nakatuon sa pagpapalawak ng access sa ligtas na aborsyon o pagpapalaglag at kontraseptibong pangangalaga.

WHO - ang World Health Organization - ay isang dalubhasang ahensya ng United Nations na responsable para sa internasyonal na pampublikong kalusugan.

NAF – ang National Abortion Federation – ay isang propesyonal na asosasyon sa USA na sumusuporta sa ligtas, batay sa ebidensya na pangangalaga sa aborsyon o pagpapalaglag at mga reproductive na karapatan.