safe2choose

Ligtas na Pangangalaga sa Pagpapalaglag: Mga Tabletas at In-Clinic na Opsyon

Alam naming nakalilito at nakakabigla ang pag-alam sa iyong mga opsyon sa pagpapalaglag, ngunit hindi ka nag-iisa. Sa safe2choose, nandito kami para sa iyo. Sa aming website, makakahanap ka ng malinaw at maaasahang impormasyon tungkol sa ligtas na mga paraan ng pagpapalaglag, tulad ng paggamit ng mga tabletas sa pagpapalaglag o mga in-clinic na opsyon. Ang aming bihasang counseling team ay nandito para makinig, sagutin ang iyong mga tanong, at tulungan kang makahanap ng ligtas, pinagkakatiwalaang pangangalaga malapit sa iyo. Karapat-dapat kang makakuha ng suporta, at nandito kami para tumulong upang makagawa ka ng desisyon na tama para sa iyo, nang may kumpiyansa at pag-aalaga.

Ligtas ba ang Pagpapalaglag Para sa Akin?

Kapag ginawa sa tamang paraan, sa tamang setting, at may tamang kaalaman, ang pagpapalaglag ay napakaligtas.

Bago simulan ang iyong proseso ng pagpapalaglag, kailangan mong malaman ang bilang ng mga linggo ng pagbubuntis upang makapagdesisyon ka kung aling paraan ng pagpapalaglag ang tama para sa iyo. Maaari mong gamitin ang Pregnancy Calculator sa ibaba upang matulungan ka na kalkulahin ito. Mayroon ding mga contraindication na dapat mong malaman na maaaring makaapekto sa iyong pagpili. Maaari kang gabayan ng aming mga counselor na may impormasyong iniangkop sa iyong sitwasyon.

Pregnancy Calculator

If you need help calculating the weeks of pregnancy, use our pregnancy calculator tool. Select the first day of your last menstrual period, and get started.

How to Use the Pregnancy Calculator

Pagpapalaglag Gamit ang mga Tabletas: Ligtas at Pribadong Opsyon

Ang pagpapalaglag gamit ang mga tabletas ay isang napakasimpleng paraan ng pagpapalaglag gamit ang alinman sa dalawang uri ng mga tabletas (Mifepristone at Misoprostol) o isang uri lang ng tableta (Misoprostol). Pinipilit nito ang cervix na kumontrata at ilabas ang pagbubuntis, na ginagaya ang proseso ng regla. Maaari itong tumagal ng ilang araw hanggang ilang linggo at maaaring gawin sa bahay.

Sa safe2choose, sinusuportahan namin ang mga taong gustong magkaroon ng self-managed abortion gamit ang mga tabletas sa bahay na may tumpak na impormasyon at mga resources tungkol sa proseso.

Mga In-Clinic na Pamamaraan sa Pagpapalaglag

Kasama sa mga in-clinic na pagpapalaglag ang supervised medical abortion, manual vacuum aspiration, surgical abortion, at miscarriage management. Karaniwan itong kinukuha sa opisina ng isang provider, isang clinic o isang ospital depende sa batas ng bansa. Kadalasan, hindi ito masakit dahil may inaalok na local o general anesthesia at tumatagal lang ng ilang minuto.

Kung ito ang pinaka-angkop na paraan para sa iyong sitwasyon, makipag-ugnayan sa aming mga counselor, upang direktang maikonekta ka namin sa mga pinagkakatiwalaang provider sa lugar.

MAKIPAG-UGNAYAN SA AMIN

Makipag-ugnayan sa Aming mga Abortion Counselor para sa Libreng Suporta

Kung hindi mo makita ang hinahanap mo o kailangan mo ng karagdagang suporta, mangyaring makipag-ugnayan sa amin sa pamamagitan ng counseling page at mga available na channel. Maaari ka naming suportahan sa iyong mga tanong tungkol sa pagbubuntis, mga opsyon sa pagpapalaglag, o pangangalaga pagkatapos ng pagpapalaglag – makipag-ugnayan sa amin!