Buntis Ba Ako? Kailan Dapat Magpa-Test at Ano ang Dapat Asahan

Isang nag-iisip na babae na may hawak na pregnancy test, sumasagisag sa hindi pagdating ng regla at maagang pagtuklas ng pagbubuntis.

Kung nakipagtalik at nang hindi protektado at iniisip mo kung posible kang buntis, hindi ka nag-iisa—normal lang na magkaroon ng maraming tanong. Gagabayan ka ng artikulong ito kung kailan at paano dapat magpa-pregnancy test, anu-ano ang mga maagang palatandaan na dapat bantayan, at kung ano ang mga susunod na hakbang.

Karaniwang nakukumpirma ang pagbubuntis 10 hanggang 14 na araw matapos ang hindi protektadong pakikipagtalik gamit ang home pregnancy test, dahil sa panahong ito nagsisimula nang gumawa ang katawan ng sapat na dami ng hormone na tinatawag na human chorionic gonadotropin (hCG) para mapansin ng test. Gayunpaman, nakakaapekto tamang timing ng pag-test sa resulta, kaya mahalaga ang pag-unawa kung paano ginagamit ang mga pregnancy test upang masiguro ang tamang resulta.

Ano ang hCG at Paano Nalalaman ang Maagang Pagbubuntis?

Pagkatapos ng fertilization, nagsisimulang mag-produce ang katawan ng hormone na tinatawag na hCG o “pregnancy hormone.” Tinutulungan ng hormone na ito na mapanatili ang pagbubuntis at siya ring hinahanap ng mga pregnancy test—sa pamamagitan ng dugo o ihi.

  • Kayang malaman ng blood test ang hCG levels nang mas maaga, mga 6–8 araw matapos ang fertilization, pero karaniwan itong isinasagawa sa klinika o health facility.
  • Mas maaasahan ang home pregnancy tests (urine tests) kapag isinagawa 10–14 araw pagkatapos ng unprotected sex o sa unang araw ng naantalang regla. Kung magtetest nang masyadong maaga, maaaring magresulta ito ng false negative dahil mababa pa ang antas ng hCG.

Mga Maagang Sintomas ng Pagbubuntis na Dapat Pansinin

Habang naghihintay na kumuha ng pregnancy test, maaari mong mapansin ang ilang mga maagang senyales ng pagbubuntis, tulad ng:

  • Naantalang regla – Isa sa mga pinakakaraniwan at pinakamahalagang senyales ng pagbubuntis.
  • Pagkirot ng dibdib/breast – Nadagdagang sensitivity at pananakit dulot ng mga pagbabago sa hormones.
  • Pagkapagod – Pakiramdam ng labis na pagod dahil sa pagtaas ng progesterone levels.
  • Pagduduwal o pagsusuka (morning sickness) – Maaaring magsimula nang dalawang linggo pagkatapos ng pagpapabunga.
  • Madalas na pag-ihi – Nadagdagang daloy ng dugo sa mga kidneys na nagdudulot ng mas madalas na pagpunta sa banyo.
  • Spotting o pananakit ng tiyan – Kilala bilang implantation bleeding, maaaring mangyari 6-12 araw pagkatapos ng ovulation.

Ang mga sintomas na ito ay hindi katiyakan at maaari ring dulot ng iba pang mga salik, kaya’t pinakamainam pa ring kumpirmahin sa pamamagitan ng pregnancy test.

Paano Gumamit ng Pregnancy Test sa Bahay

  1. Maghintay ng hindi bababa sa 10-14 araw pagkatapos ng unprotected sex o pakikipagtalik para sa mas tamang resulta.
  2. Bumili ng maaasahang home pregnancy test mula sa isang botika o drug store.
  3. Gamitin ang unang ihi sa umaga para sa pinakamataas na konsentrasyon ng hCG.
  4. Sundin nang maayos ang mga tagubilin ng test kit.
  5. Hintayin ang resulta sa loob ng itinakdang oras na nakasaad sa test.
  6. Kung positibo ang resulta, maaaring ito ay indikasyon ng pagbubuntis. Kung negatibo naman at hindi pa rin dumating ang iyong regla, subukang mag-test muli sa loob ng ilang araw upang makasiguro.

Mga Salik na Nakakaapekto sa Katiyakan ng Pregnancy Test

  • Pagtest nang masyadong maaga – Ang mababang antas ng hCG ay maaaring hindi pa mabasa ng test.
  • Diluted na ihi – Ang sobrang pag-inom ng tubig bago mag-test ay maaaring magpababa ng konsentrasyon ng hCG.
  • Expiration o sira na test – Palaging tiyakin ang expiration date at siguraduhing naka-imbak nang tama ang test.
  • Iba’t ibang gamot – Maaaring makaapekto ang mga fertility drugs o hormonal medications sa resulta ng test.

Mga Makakatulong na Sanggunian

Mga Madalas na Itanong (FAQs)

Gaano katagal pagkatapos ng sex o pakikipagtalik bago makumpirma ang pagbubuntis?

Maaaring makumpirma ang pagbubuntis 10-14 araw pagkatapos ng unprotected sex o pakikipagtalik gamit ang home pregnancy test.

Pwede bang mag-pregnancy test isang linggo pagkatapos ng sex o pakikipagtalik?

Maaaring masyado pang maaga. Para sa mas tamang resulta, maghintay ng hindi bababa sa 10-14 araw.

Anong hormone ang tinutukoy ng pregnancy test?

Tinutukoy o inaalam ng pregnancy test ang hormone na hCG, na nililikha ng katawan matapos ang implantation.

Ano ang Dapat Gawin Kung Buntis Ka at Hindi Sigurado saen Iyongen Mga Pagpipilian

Kung nakakuha ka ng positibong resulta sa pregnancy test at hindi sigurado kung ano ang susunod na hakbang, hindi ka nag-iisa—at may mga suportang maaaring tumulong. Narito ang mga hakbang na maaari mong gawin:

  • Tiyakin ang Iyong Pagbubuntis – Maaaring kumpirmahin ang pagbubuntis gamit ang blood test o ultrasound para matukoy ang kaligtasan at edad ng pagbubuntis. Mahalaga ito upang malaman ang iyong mga pagpipilian.
  • Alamin ang Iyong Mga Pagpipilian – Depende sa iyong sitwasyon, maaaring mong isaalang-alang ang pagiging magulang, magpa-ampon, o pagpapalaglag.
  • Maghanap ng Suporta – Ang kumpidensyal na gabay ay magagamit mula sa mga organisasyong nagpo-promote ng kalusugang reproduktibo tulad ng safe2choose.
  • Gumawa ng Agarang Desisyon – Kung isinasaalang-alang mo ang pagpapalaglag, mahalaga na magdesisyon ka agad. Hindi lamang legal na limitado ang pagpapalaglag sa ilang bansa, kundi inirerekomenda din itong gawin sa unang 13 linggo ng pagbubuntis para sa kaligtasan at maging epektibo. Siguraduhing suriin ang mga batas at gabay ukol sa pagpapalaglag sa iyong bansa. Sa Pilipinas, halimbawa, ipinagbabawal ang pagpapalaglag, ngunit maaari ka pa ring makakuha ng tamang impormasyon at suporta sa Pilipinas country profile page.

Pangasiwaan ang Iyong Kalusugang Reproduktibo

Kung sa tingin mo ay buntis ka o kailangan mo ng suporta, ang safe2choose ay nag-aalok ng kumpidensyal na impormasyon at gabay. Bisitahin ang safe2choose.org upang tuklasin ang iyong mga pagpipilian, matutunan ang tungkol sa kontrasepsyon, at makakuha ng walang kinikilingang suporta.

Ang mga maaasahang sanggunian ay makatutulong sa mga tao na pumili nang may kalinawan at kumpiyansa ukol sa kanilang kalusugang reproduktibo.