Mga Paraan ng Ligtas na Pagpapalaglag: Mga Dapat Mong Malaman

Babaeng nakatingin sa cellphone na may mga icon ng mga tableta para sa aborsyon at aspirator; logo ng safe2choose.org.

Ano ang Pinakaligtas na Paraan ng Pagpapalaglag?

Ang pinakaligtas na paraan ng pagpapalaglag ay sa pamamagitan ng medikal na pagpapalaglag gamit. Kumonsulta sa isang mapagkakatiwalaang healthcare provider para sa siguradong impormasyon. Mahalagang may tamang impormasyon at gabay mula sa mga eksperto upang masiguro ang kaligtasan at bisa ng proseso.

Medikal o Surgical na Aborsyon: Ano ang Mas Angkop Para Sa’yo?

Kung iniisip mong magpalaglag, may dalawang pangunahing paraan: medikal na aborsyon at surgical na aborsyon. Narito ang pagkakaiba ng dalawa:

Medikal na Aborsyon

  • Paano Ito Ginagamit? Ginagamit ang mga gamot na Mifepristone at Misoprostol upang ligtas at epektibong itigil ang pagbubuntis sa loob ng unang 13 linggo. Kung walang Mifepristone, maaari ring gumamit ng Misoprostol lamang.
  • Gaano Ito Kaepektibo? 95-98% ang bisa kapag ginamit nang tama.
  • Ligtas ba Ito? Ayon sa World Health Organization (WHO), ligtas at epektibo ang pamamaraang ito kapag tama ang paggamit.
  • Mabibili ba Ito sa Pilipinas? Dahil pinagbabawal ito, mahirap makabili ng mga gamot na ito sa Pilipinas. Gayunpaman, may mga internasyonal na organisasyon na nagbibigay ng tamang impormasyon at suporta para sa ligtas na pagpapalaglag.
  • Gaano Katagal ang Pag-recover? Karamihan sa mga sintomas tulad ng pagdurugo at paghilab ay mawawala sa loob ng ilang araw, ngunit maaaring magpatuloy ang spotting hanggang sa susunod na regla.

Surgical na Aborsyon (In-Clinic Abortion)

  • Paano Ito Ginagawa? Isang medikal na pamamaraan kung saan tinatanggal ang pinagbubuntis gamit ang suction o iba pang teknik sa isang klinika o ospital.
  • Gaano Ito Kaepektibo? Mahigit 99% ang bisa kapag isinagawa ng isang propesyonal sa tamang pasilidad.
  • Ligtas ba Ito? Napakababa ng panganib kung gagawin ng isang lisensyadong doktor sa isang maayos na pasilidad.
  • Mayroon ba nito sa Pilipinas? Sa Pilipinas, bawal ang surgical abortion, maliban kung nasa lagay ng panganib ang buhay ng isang buntis.
  • Gaano Katagal ang Pag-recover? Bumabalik sa normal ang katawan sa loob ng ilang araw pagkatapos ng procedure.

Mga Madalas Itanong

May Natural na Paraan Ba Para Itigil ang Pagbubuntis?

Walang napatunayang natural o herbal na paraan na ligtas at epektibo para sa pagpapalaglag. Ang ilang halamang gamot ay ginagamit sa tradisyunal na paraan, ngunit hindi tiyak ang epektibo nito at maaaring magdulot ng panganib sa kalusugan.

Maaari Bang Bumili ng Abortion Pills sa Pilipinas?

Ang Mifepristone at Misoprostol ay hindi nabibili sa Pilipinas, ngunit may ilang organisasyon na nagbibigay ng tamang impormasyon tungkol sa ligtas na paggamit nito.

Ligtas Ba ang Self-Managed Abortion?

Kung susundin ang guidelines ng WHO, ang self-managed abortion gamit ang Mifepristone at Misoprostol ay ligtas at epektibo. Mahalaga ang may kaalaman at sumunod sa wastong pag-inom.

Ano ang Dapat Gawin Matapos ang Isang Aborsyon?

Pagkatapos ng isang pagpapalaglag, mahalaga ang sapat na pahinga, pag-inom ng maraming tubig, at pagmo-monitor sa katawan. Magpatingin agad sa doktor kung may matinding pagdurugo, lagnat, o pananakit upang matiyak na walang komplikasyon.

Gabay sa Ligtas na Medikal na Aborsyon

Paano Gawin ng Ligtas ang Medikal na Aborsyon?

  1. Kumpirmahin ang Pagbubuntis – Gumamit ng pregnancy test upang matiyak na ang pagbubuntis.
  2. Kunin ang Tamang Impormasyon – Makipag-ugnayan sa mga mapagkakatiwalaang organisasyon para malaman tamang pag-inom nito.
  3. Sundin ang Wastong Dosis – Gumamit ng Mifepristone at Misoprostol ayon sa tamang paraan. Kung Misoprostol lang ang gagamitin, siguraduhing wasto ang pag-inom nito.
  4. Alamin ang Posibleng Sintomas – Asahan ang pagdurugo at pagsakit ng puson.
  5. Humingi ng Tulong Kung Kinakailangan – Kung sobra-sobra ang pagdurugo (dalawa o higit pang sanitary pads kada oras sa loob ng magkasunod na oras), may mataas na lagnat, o matinding sakit, magpatingin sa doktor.

Mahalagang Paalala

Kapag ininom o tinunaw sa ilalim ng dila ang abortion pills, hindi ito matutukoy sa anumang medical test, kaya nasa iyo kung nais mong ibahagi ang impormasyon kapag nagpatingin sa ospital.

Kung kailangan mo ng tamang impormasyon at pribadong gabay tungkol sa iyong kalagayan, may mga internasyonal na organisasyon na nagbibigay ng suporta. Maaaring tumungo sa safe2choose na mayroong trained abortion counselors na maaaring makausap upang magbigay ng gabay sa ligtas na pagpapalaglag.

Ang pagkakaroon ng tamang kaalaman ay mahalaga. Bagamat may mga limitasyon sa batas sa Pilipinas, ang tamang kaalaman ay makapagbibigay-lakas upang makapagpasya nang tama ukol sa kalusugan at aborsyon.