Ang medikal na pampaglaglag ay isang paraan ng pagpapalaglag ng maagang pagbubuntis gamit ang gamot inirerekomenda ng World Health Organization (WHO) bilang ligtas at epektibo. Ito ay ang ng dalawang gamot—Mifepristone at Misoprostol na ginagamit para sa ligtas na aborsyon.
Gayunpaman, sa Pilipinas, mahigpit pa rin ang batas laban sa aborsyon, kaya hindi ito nabibili basta-basta. Sa kabila nito, may mga internasyonal na organisasyon na nagbibigay ng tamang impormasyon at gabay para sa mga nais sumailalim nito.
Ano ang Medikal na Pampaglaglag?
Ang medikal na pampaglaglag ay isang non-surgical na paraan ng pagpapalaglag, na karaniwang ginagawa sa unang 13 linggo ng pagbubuntis. Ginagamitan ito ng gamot na kinikilala ng WHO bilang ligtas at epektibo:
- Mifepristone – Humahadlang sa progesterone, na siyang nagiging dahilan para huminto ang pagbubuntis.
- Misoprostol – Nagpapakipot ng matris upang mailabas ang pinagbubuntis.
Mas epektibo kung magkasamang iinumin ang Mifepristone at Misoprostol (95-98% success rate), pero maaaring gumamit ng Misoprostol lamang kung wala ang unang gamot, basta’t tama ang paraan ng paggamit.
Paano Gamitin ang Medikal na Pampaglaglag sa Unang 13 Linggo ng Pagbubuntis
Bago Magsimula:
- Siguraduhing alam mo kung ilang linggo na ang iyong pagbubuntis.
- Magsaliksik at maghanda ng tamang impormasyon bago simulan ang proseso.
Ang Proseso:
Step 1: Ligtas na inumin ang Mifepristone (200mg)
- Lunukin ang isang tableta ng Mifepristone (200mg) gamit ang tubig.
- Ang gamot na ito ay humahadlang sa hormone na nagpapanatili ng pagbubuntis.
- Kung nagsuka sa loob ng 30 minuto matapos inumin ito, maaaring hindi ito maging epektibo, kaya kailangan mong uminom ng isa pang tableta.
- Hintayin ang 24-48 oras bago gawin ang susunod na hakbang.
Step 2: Maghanda para sa pananakit at pagdurugo pagkatapos uminom ng mga tableta
- Uminom ng 800mg na Ibuprofen (o ibang pain reliever kung allergic) 30 minuto bago inumin ang Misoprostol upang mabawasan ang pananakit.
- Maaari ring uminom ng gamot laban sa pagsusuka kung kinakailangan.
Step 3: Inumin ang Misoprostol (200mcg bawat isa)
- Ilagay ang apat (4) na Misoprostol sa ilalim ng dila.
- Hayaan itong matunaw sa loob ng 30 minuto at huwag lunukin agad.
- Matapos ang 30 minuto, lunukin ang anumang natirang bahagi ng gamot.
- Kung nagsuka ka sa loob ng 30 minuto matapos itong inumin, kailangan mong ulitin ang dose ng Misoprostol.
Step 4: Obserbahan ang Iyong Katawan
- Karaniwang nagsisimula ang pagdurugo at pananakit sa loob ng ilang oras matapos inumin ang Misoprostol. Ibig sabihin, mabisa ang gamot.
- Kung walang nangyaring pagdurugo sa loob ng 24 oras, uminom ng isa pang dose ng Misoprostol (4 na tableta) sa parehong paraan.
- Kung wala pa ring nangyayari, humingi ng gabay mula sa mapagkakatiwalaang healthcare provider bago uminom ng karagdagang gamot.
Para sa karagdagang tulong, ang mga organisasyon tulad ng safe2choose ay nagbibigay ng pribadong suporta.
Mga Dapat Tandaan at Posibleng Panganib
- Ang medikal na pampaglaglag ay hindi maaaring gamitin kung may ectopic pregnancy.
- Kung lagpas na sa 13 linggo, maaaring sumubok ng ibang paraan. Humingi ng tamang gabay para sa iyong kaligtasan.
- Ilang karaniwang side effects: lagnat, panginginig, pagduduwal, pagtatae, sakit ng ulo, at pagkahilo—karaniwang nawawala ito sa loob ng 24 oras.
- Magpatingin sa doktor kung: sobrang daming dugo ang lumalabas (nakakagamit ng higit sa 2 pads kada oras sa loob ng 2 oras na sunod-sunod).
Mga Madalas Itanong
Pwede bang bumili ng abortion pills sa Pilipinas?
Sa kasalukuyan, hindi legal na nakakabili ng Mifepristone at Misoprostol. Gayunpaman, may ilan na nakakahanap nito online o sa mga underground sellers. Mag-ingat sa pekeng gamot at huwag basta-basta bumili sa hindi mapagkakatiwalaang seller. Mahalagang tiyakin na tama at ligtas ang gamot na gagamitin.
Paano ko malalaman kung naging matagumpay ang pampaglaglag?
Malakas na pagdurugo at paglabas ng pregnancy tissue ang pangunahing palatandaan na epektibo ito. Para makasigurado, maaaring gumamit ng pregnancy test o magpa-ultrasound makalipas ang dalawang linggo.
Ano ang dapat gawin kung may komplikasyon?
Kung nakakaranas ng matinding pagdurugo, mataas na lagnat, o iba pang senyales ng impeksyon, agad na pumunta sa ospital. Ayon sa batas, obligado ang mga ospital na magbigay ng post-abortion care anuman ang dahilan ng iyong pagdurugo.
May mga support group ba para sa mga babaeng gustong magpalaglag?
Oo. May mga organisasyon tulad ng Women’s Global Network for Reproductive Rights (WGNRR) at Likhaan Center for Women’s Health na nagbibigay ng impormasyon, counseling, at suporta tungkol sa reproductive health.
Pangwakas na Paalala
Ang medikal na pampaglaglag ay isang ligtas at epektibong paraan kung tama ang paggamit. Pero dahil sa mga batas sa Pilipinas, maaaring mahirap makabili ng gamot at walang sapat na impormasyon.
Kung naghahanap ka ng gabay, may mga internasyonal na organisasyon na nagbibigay ng pribadong suporta. Ang paghingi ng tamang impormasyon mula sa pinagkakatiwalaang healthcare providers ang pinakaligtas na paraan.
Kailangan mo ba ng tulong?
Kung gusto mong malaman ang iyong mga opsyon, may mga organisasyon tulad ng safe2choose na nagbibigay ng kumpidensyal at impormasyong nakabatay sa ebidesnya. May mga trained counselors na handang tumulong upang masiguradong may sapat kang kaalaman bago magdesisyon.