Maaari Ka Bang Magpa-laglag sa Unang Buwan ng Iyong Pagbubuntis sa Pilipinas? Mga Dapat Mong Malaman

Batang babae na may hawak na notebook, isang matris na may martilyo na sumisimbolo sa mga karapatan sa reproduksyon, at mga tableta na kumakatawan sa medikasyong aborsyon.

Sa Pilipinas, mahigpit pa rin ang batas pagdating sa pampaglaglag. Sa kabila nito, maraming mga kababaihan ang naghahanap ng mapagkakatiwalaang impormasyon ukol sa self-managed abortion o pampalaglag. Kung nais mong magpalaglag, mahalagang malaman ang tungkol sa batas, mga maaaring mapagkukunan ng tulong, at kung paano mananatiling ligtas.

Ang Pagpapalaglag sa Pilipinas

Ayon sa batas ng Pilipinas, bawal ang pampaglaglag at walang legal na pasilidad na nagbibigay ng serbisyo para dito. Gayunpaman, kinikilala ang self-managed abortion gamit ang pills na ligtas kung tama at may gabay ang paggamit. Pero dahil bawal ito sa Pilipinas, may mga hamon pa rin para sa mga may gustong gumamit nito.

Mga Ligtas na Paraan ng Pampaglaglag sa Unang Buwan ng Pagbubuntis

Self-Managed Abortion gamit ang Pills (Mifepristone at Misoprostol)

Ayon sa World Health Organization (WHO), ligtas at epektibo ang mga gamot na ito para sa maagang pagbubuntis. Bagama’t maaaring gamitin ito ng mga buntis na lampas 13 linggo, mas mainam itong gawin sa unang mga linggo ng pagbubuntis, gabay ng tamang impormasyon.

Paano Gamitin ang Pampaglaglag Gamit Ang Pills?

  1. Inumin ang 1 Mifepristone (200mg) – Lunukin ito kasabay ng tubig. Pinipigilan nito ang hormone na nagpapatuloy ng pagbubuntis. Kung nasuka ka sa loob ng 30 minuto, ulitin ang dose kung may ekstrang tableta.
  2. Maghintay ng 24-48 oras bago inumin ang Misoprostol.
  3. Uminom ng 800mg Ibuprofen (o iba pang pain reliever) 30 minuto bago ang Misoprostol para mabawasan ang pananakit.
  4. Ilagay ang 4 Misoprostol (200mcg bawat isa) sa ilalim ng dila. Hayaan itong matunaw sa loob ng 30 minuto bago lunukin ang mga natitirang piraso.
  5. Kung nasuka sa loob ng 30 minuto, ulitin ang dose ng Misoprostol.
  6. Dapat magsimula ang pagdurugo at pananakit ng puson sa loob ng ilang oras. Kung walang nangyari sa loob ng 24 oras, uminom muli ng 4
  7. Misoprostol, sa parehong paraan.

Ligtas at epektibo ang Mifepristone at Misoprostol. Pero mahalagang malaman ang posibleng side effects.

Ano ang Maaaring Maging Epekto ng Mga Pampalaglag na Tabletas?

  • Inaasahang Epekto:
    • Pananakit ng puson at pagdurugo – Natural na epekto ito ng pills, ibig sabihin umeepekto na ito.
  • Iba Pang Mga Posibleng Epekto:
    • Lagnat at panginginig – Pansamantalang pagtaas ng temperatura.
    • Pagkahilo at pagsusuka
    • Pagtatae

Kadalasang panandalian lang ang mga epekto na ito at hindi na kailangang gamutin.

Kailan Dapat Magpatingin sa Doktor?

Kumuha agad ng tulong medikal kung ikaw ay:

  • Nagbabasa ng 2 o higit pang napkin bawat oras sa loob ng 2 oras na sunod-sunod.

  • May lagnat na 100.4°F (38°C) o mas mataas na nagsimula 24 oras matapos uminom ng misoprostol at hindi bumaba kahit uminom ng ibuprofen.

  • Nakakaranas ng matinding pananakit na hindi gumagaan kahit uminom ng gamot tulad ng ibuprofen.

  • Pakiramdam ay sobrang may sakit o may mabahong discharge mula sa puwerta. Maaaring may amoy ang dugo at maaaring kulay brown, madilim, halos itim, o maliwanag na pula, pero kung may discharge na may ibang kulay at amoy panis o bulok, posibleng ito ay impeksyon.

  • May reaksiyong alerhiya (tulad ng pamumula o pamamaga ng mukha o leeg, o hirap sa paghinga).

Pag-aalaga sa Sarili Pagkatapos ng Aborsyon

  • Magpahinga para makabawi ang katawan.
  • Iwasang magpasok ng kahit ano sa ari tulad ng tampon o pakikipagtalik ng kahit isang linggo para maiwasan ang impeksyon.
  • Subaybayan ang kalagayan mo at magpatingin kung may hindi pangkaraniwang nararamdaman.

Mahalagang malaman ang mga ito upang mabigyan ng agarang atensyon.

Pag-alaga sa Sarili Pagkatapos ng Uminom ng Pampalaglag

Pagkatapos gumamit ng pampalaglag, isaalang-alang ang mga sumusunod:

  • Magpahinga.
  • Iwasang magpasok ng kahit ano sa ari: Huwag gumamit ng tampon o makipagtalik nang hindi bababa sa isang linggo upang maiwasan ang impeksyon.
  • Maging mapanuri sa mga sintomas: Bantayan ang anumang hindi pangkaraniwang sintomas at kumonsulta sa isang healthcare provider kung kinakailangan.

Ang maayos na pag-aalaga sa sarili pagkatapos ng pampalaglag ay nakakatulong sa mabilis na paggaling.

Mga Halamang Gamot na Pampalaglag

May ilang gumagamit ng tradisyunal o herbal na pampalaglag, pero walang sapat na ebidensiya na ligtas o epektibo ito. Mas mainam na gumamit ng aprubadong pills kaysa sa mga paraang walang sapat na ebidensiya kung epektibo o ligtas.

Pagsaalang-alang sa Batas at Epekto sa Kalusugan

  • Bawal sa batas: Sa kabila ng pagbabawal ng batas, may mga opisyal at mapagkakatiwalaang mga non-government organizations (NGOs) na patuloy na lumalaban para sa ligtas at legal na reproductive health services sa bansa.
  • Kalusugan at kaligtasan: Ayon sa WHO, ligtas ang medikal na pampaglaglag kung susundin ang tamang pag-inom nito.
  • Pangangalaga pagkatapos gumamit ng pampaglaglag: Lahat ng ospital ay may obligasyong magbigay ng post-abortion care. Hindi dapat maging dahilan ang pagpapatingin sa ospital para kasuhan ka. Sa katunayan, hindi natutukoy o nalalaman ng mga doktor kung ikaw ay gumamit ng medical abortion pills, kaya nasa iyo kung nais mong ibahagi ang impormasyong ito.

Iba pang mga Opsyon

  • Pagsuri sa Maaasahang Impormasyon: May mga organisasyong nagbibigay ng pribadong gabay at suporta tungkol sa ligtas na pamamaraan ng pampalaglag.
  • Pagpunta sa ibang bansa: Maaaring pumunta sa mga bansang legal ang pampalaglag tulad ng Thailand, Vietnam, o Cambodia.

Mga Karaniwang Itinatanong

Saan makakakuha ng pampaglaglag na gamot sa Pilipinas? Sa Pilipinas, bawal ito kaya wala legal na mabibilhan, gayunpaman may ilang mga internasyonal na grupo na nagbibigay ng gabay at impormasyon kung paano ligtas na gawin ito.

Ano ang panganib ng self-managed abortion? Kung susundin ang tamang paraan, ligtas ito. Pero may ilang hindi pangkaraniwang komplikasyon kaya mahalagang alamin ang mga epektibo nito.

Magkaroon ng Maalam na Desisyon

Dahil sa batas at negatibong pagtingin sa pampalaglag sa Pilipinas, maaaring maging mahirap ang desisyong magpalaglag. Mahalaga na may tamang impormasyon, suporta mula sa mapagkakatiwalaang organisasyon, at pangangalaga sa iyong kalusugan. May mga international na organisasyon tulad ng safe2choose na nagbibigay ng pribadong gabay. Basahin ang tungkol sa pagpapalaglag sa Pilipinas dito. Maaari mong kausapin ang kanilang trained counselors dito.