
What Are Contraceptives? Methods And Is Emergency Contraception The Abortion Pill?
Understand the different types of contraceptives, how they work, and the crucial difference between emergency contraception and the abortion pill.
Sa table na ito, inihahambing namin ang mga pagkakaiba ng isang pagpapalaglag na gamit ang mga tableta at manual vacuum aspiration o electric vacuum aspiration para sa pagwawakas ng isang pagbubuntis. Nasa mga kababaihan ang desisyong magpasya kung alin ang nararapat para sa kanila ayon sa kanilang badyet, availability ng aborsyon, lugar, gaano katagal na ang pagbubuntis, at personal na kagustuhan.
| Ano ang isang pagpapalaglag gamit anga mga tableta (medikal na aborsyon)? | Ano ang vacuum aspiration (MVA) na pagpapalaglag (in-clinic na aborsyon)? | |
|---|---|---|
| Kahulugan | ||
| Kahulugan | Ang medikal na pagpapalaglag (kung minsan ay tinatawag na pagpapalaglag sa mga tabletas) ay isang ligtas na paraan ng pagpapalaglag kung saan gumagamit ang isang babae ng mga tabletas sa bahay upang tapusin ang isang hindi ginustong pagbubuntis. Mayroong dalawang ligtas na pamamaraan para sa medikal na pagpapalaglag:
Nagbibigay ang safe2choose ng malinaw at batay-sa-ebidensyang gabay kung paano ligtas na isagawa ang medical na aborsyon gamit ang alinman sa dalawang pamamaraang ito. | Ang Manual vacuum aspiration (MVA) ay isang ligtas at epektibong paraan ng pagpapalaglag, na karaniwang ginagamit sa unang tatlong buwan o sa maagang bahagi ng ikalawang tatlong buwan ng pagbubuntis. Isinasagawa ito ng isang trained na healthcare provider gamit ang medikal na kagamitan upang lumikha ng banayad na paghatak (suction) para alisin ang laman ng matris. Maaaring isagawa ang MVA gamit ang manual na IPAS device o sa pamamagitan ng electric device na kilala bilang Electric Vacuum Aspiration (EVA). Parehong medically approved at lubos na epektibo ang dalawang pamamaraang ito. Makikita mo ang detalyadong gabay — kabilang na kung paano isinasagawa ang procedure, ano ang maaaring asahan, at iba pang mahalagang impormasyon — sa aming pahinang "Gabay para sa Ligtas na Manual Vacuum Aspiration Abortion (MVA)". |
| Mga advantage at disadvantage ng pagpapalaglag gamit ang mga tableta (medikal na aborsyon) | Mga advantage at disadvantage ng vacuum aspiration na aborsyon (proceure abortion) | |
|---|---|---|
| Pagiging Epektibo | ||
| Pagiging Epektibo | 95% epektibo para sa regimen na gumagamit ng Mifepristone at Misoprostol 80–85% epektibo para sa regimen na gumagamit ng lamang ng Misoprostol | 99% epektibo |
| Kaligtasan | ||
| Kaligtasan | Napakaligtas | Napakaligtas |
| Pagsubok sa Pagbubuntis | ||
| Pagsubok sa Pagbubuntis | Dapat kumpirmahin muna ang pagbubuntis bago gumamit ng pills. Hindi kailangan ng ultrasound. | Kinakailangan ang pisikal na pagsusuri, at maaaring kailanganin ang ultrasound depende sa clinic. |
| Edad ng pagbubuntis | ||
| Edad ng pagbubuntis | Maaaring gamitin ang abortion pills sa kahit anong yugto ng pagbubuntis. Gayunpaman, ang dami ng pills na kakailanganin, antas ng pangangalaga, at mga posibleng panganib ay maaaring magbago depende sa kung gaano katagal na ang pagbubuntis. Para sa mga pagbubuntis hanggang 13 linggo, ligtas gamitin ang abortion pills sa bahay at maaaring isagawa ang aborsyon nang mag-isa. Panoorin ang aming mga protocol videos para matuto pa. Para sa mga pagbubuntis na lagpas sa 13 linggo, kailangan ng mas espesyal na pangangalaga at ibang protocol para sa medikal na aborsyon. Mangyaring makipag-ugnayan sa aming counseling team para sa suporta. Upang matantya kung gaano na katagal ang iyong pagbubuntis, gamitin ang aming Pregnancy Calculator. | Maaaring isagawa ang Manual Vacuum Aspiration (MVA) hanggang 14 na linggo ng pagbubuntis, habang ang Electric Vacuum Aspiration (EVA) ay maaaring isagawa hanggang 16 na linggo. Paalala: Maaaring mag-iba ang vacuum aspiration depende kung gaano katagal ang pagbubuntis, sa clinic at sa healthcare provider na gagawa ng procedure. Upang malaman kung ilang linggo na ang iyong pagbubuntis, bisitahin ang aming Pregnancy Calculator page. |
| Lokasyon | ||
| Lokasyon | Maaaring isagawa ang aborsyon gamit ang pills sa iba't ibang lugar, depende sa haba ng pagbubuntis at kalusugan ng tao. Sa karamihan, ginagawa ito sa pribadong lugar tulad ng kanilang bahay—o kahit saan sila komportable at ligtas ang pakiramdam. Minsan naman, isinasagawa ang medikal na aborsyon sa pasilidad ng isang health provider, kung saan maaaring manatili ang kliyente nang ilang oras upang masubaybayan sila ng doktor, nurse, o kasama hanggang sa matapos ang proseso. | Isinasagawa ang procedure sa opisina ng doktor, clinic, o ospital. Maaaring gawin ang parehong uri ng vacuum aspiration sa isang basic health center, at hindi kinakailangang mag-overnight. |
| Isinagawa ng | ||
| Isinagawa ng | Maaaring isagawa nang mag-isa, ibig sabihin ay kaya itong gawin ng buntis na babae, batang babae, o sinumang buntis na tao. Maaari rin itong isagawa ng mga medical staff o community health workers. | Ligtas itong maibibigay ng mga doktor, nurse practitioners, nurse midwives, assistant ng physician (PAs), at iba pang taong may sapat na training. |
| Tagal | ||
| Tagal | Ang haba bago makumpleto ang aborsyon gamit ang pills ay maaaring tumagal ng ilang araw hanggang ilang linggo. | Maisasagawa ang vacuum aspiration ng ilang minuto lamang. |
| Epekto | ||
| Epekto | Pagkatapos uminom ng abortion pills, maaaring magsimula ang cramping at pagdurugo sa loob ng 30 minuto, pero minsan ay umaabot ng hanggang 24 oras bago ito magsimula. Normal ang malalakas na cramps. Maaari kang uminom ng gamot para sa sakit habang isinasagawa ang buong proseso. Ang pagdurugo ay maaaring kasing dami ng regla o mas marami pa, at maaaring pa-unti-unti o tuloy-tuloy sa loob ng halos 2 linggo o higit pa. Ilan sa mga posibleng side effects matapos uminom ng pills ay ang diarrhea, pagkahilo, pagsusuka, pananakit ng tiyan, sakit ng ulo, lagnat, at panginginig. Karaniwan, nawawala ang mga ito sa loob ng 24 oras matapos ang huling dose ng misoprostol. | Karamihan sa mga tao ay makararanas ng pagdurugo at cramping habang at pagkatapos ng vacuum aspiration na aborsyon. Karaniwan, gumagaan ang mga sintomas sa mga araw pagkatapos ng procedure, pero maaaring abutin ng 1 hanggang 2 linggo bago tuluyang huminto ang pagdurugo, spotting, at cramping. |
| Komplikasyon/ Peligro | ||
| Komplikasyon/ Peligro | Ang mga posibleng panganib ay: matinding pagdurugo, impeksyon, patuloy na pagbubuntis, at hindi kumpletong aborsyon. | Ang mga posibleng panganib ay: matinding pagdurugo, impeksyon, pinsala sa matris at mga kalapit na bahagi, patuloy na pagbubuntis, at hindi kumpletong aborsyon. |
| Halaga | ||
| Halaga | Karaniwan, mas mura ang aborsyon gamit ang mga tableta kaysa vacuum aspiration dahil tableta lang ang kailangang bilhin. Hindi kailangan ng ultrasound, na kadalasan ay mahal. Mag-iiba ang presyo ng MA depende kung saan ka naroroon at kung mabibili ang mga tableta sa botika nang walang reseta o kung kailangan pa ng reseta mula sa doktor. | Karaniwan, mas mahal ang vacuum aspiration (in-clinic abortion) kumpara sa medikal na aborsyon dahil madalas itong nangangailangan ng karagdagang pagsusuri tulad ng ultrasound, at kailangang isagawa ng isang bihasang propesyonal. Nagkakaiba-iba ang aktwal na gastos ng vacuum aspiration depende sa lokasyon at sa mga umiiral na batas tungkol sa aborsyon. |
| Pangangalaga pagkatapos magpalaglag | ||
| Pangangalaga pagkatapos magpalaglag | Nirerekomenda ang follow-up check-up sa clinic upang masigurong naging matagumpay ang aborsyon, pero hindi ito laging kinakailangan. Dapat kang kumonsulta sa provider kung makaranas ka ng mga babalang senyales tulad ng matinding pagdurugo, lagnat, malakas na pananakit, palatandaan ng impeksyon o kung sa tingin mo ay buntis ka pa rin. Ang pregnancy test gamit ang ihi ay karaniwang magbibigay ng negatibong resulta mga 4 hanggang 5 linggo pagkatapos ng matagumpay na aborsyon gamit ang pills. Karamihan ay maaaring bumalik sa kanilang normal na gawain kapag handa na ang kanilang katawan. Makakahanap ka ng mga impormasyon tungkol sa pag-aalaga pagkatapos ng aborsyon sa aming Abortion with Pills page o sa aming Frequently Asked Questions. | Inaalok ang follow-up pagkatapos ng in-clinic abortion, pero hindi ito kinakailangan. Dapat makipag-ugnayan sa kanilang clinic ang kliyente kung makaranas ng matinding pagdurugo, lagnat, matinding pananakit, mga sintomas ng impeksyon o patuloy na pagbubuntis. Ang pregnancy test gamit ang ihi ay karaniwang magiging negatibo pagkalipas ng 4–5 linggo mula sa procedure. Karamihan sa mga tao ay maaaring bumalik sa kanilang normal na gawain kapag handa na ang kanilang katawan matapos ang in-clinic abortion. Makakahanap ka ng higit pang detalye tungkol sa pag-aalaga pagkatapos ng manual vacuum aspiration abortion sa aming "Gabay para sa Ligtas na Manual Vacuum Aspiration Abortion (MVA)" page o sa aming Frequently Asked Questions. |
| Paggamit ng contraceptive methods | ||
| Paggamit ng contraceptive methods | Karamihan sa mga uri ng kontrasepsyon ay maaaring simulan kaagad pagkatapos ng medikal na aborsyon. Upang malaman ang pinakaangkop na paraan ng kontrasepsyon para sa iyo, bisitahin ang findmymethod.org | Lahat ng uri ng kontrasepsyon ay maaaring simulan kaagad pagkatapos ng vacuum aspiration na abortion. Upang makahanap ng angkop na paraan ng kontrasepsyon para sa iyo, bisitahin ang findmymethod.org |
Hindi, kapag ginawa gamit ang mga aprubadong pamamaraan, ligtas ang aborsyon. Parehong ligtas ang paggamit ng tabletas at mga pamamaraang ginagawa sa klinika gaya ng manual vacuum aspiration (MVA) na epektibo at bihirang (hindi lalampas sa 1% ng mga kaso) na nagdudulot ng malubhang kumplikasyon. Sa katunayan, ang aborsyon ay mas ligtas kumpara sa maraming karaniwang medikal na pamamaraan, kabilang ang panganganak.
Sinasabi ng World Health Organization (WHO) na hindi lamang nagiging ligtas o mapanganib ang aborayon kapag isinasagawa ng isang taong walang sapat na kaalaman o nasa lugar na hindi sumusunod sa pangunahing pamantayang medikal. Sinusuportahan ng WHO ang sariling pagsasagawa ng aborsyon gamit ang tabletas kung may magagamit na tumpak na impormasyon. Nag-aalok ang safe2choose ng maaasahang gabay para sa parehong paraan.
Tulad ng anumang medikal na paraan, maaaring may mga panganib, pero napakabihira ng mga ito at karaniwang mabilis gamutin. Kabilang sa mga halimbawa ng kumplikasyon ang di kumpletong aborsyon, malakas na pagdurugo, o allergic reaction sa tabletas. Mahalagang malaman ang mga babalang palatandaan at kung kailan hihingi ng tulong. Tingnan ang aming gabay tawagan ang aming grupong sumusuporta para sa higit pang impormasyon.
Sources:
[1] "Gabay sa pangangalaga sa aborsyon." World Health Organization, 2022, iris.who.int/handle/10665/349316 In-access noong Hulyo 2025.
[2] Raymond, E.G., Grimes, D.A. "Ang paghahambing na kaligtasan ng legal na pinabilis na aborsyon at panganganak sa Estados Unidos." National Library of Medicine, 2012, Peb;119(2 Pt 1):215-9, pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/22270271/ In-access noong Hulyo 2025.
[3] Jackson, E., et al. "Mga Klinikal na Update sa Kalusugang Reproduktibo." Ipas, 2023, www.ipas.org/wp-content/uploads/2023/09/Ipas-Clinical-Updates-in-Reproductive-Health-CURHE23b.pdf In-access Hulyo 2025.
BLOG

Understand the different types of contraceptives, how they work, and the crucial difference between emergency contraception and the abortion pill.

We listen with open hearts and minds. Your feelings and experiences matter to us, and we are here to support you with compassion and understanding.

Concerned about the financial aspect of abortion pills? We break down the potential costs and explore available resources to ensure access is within reach.
Okay lang na humingi ng suporta
Kung kailangan mo ng mga impormasyon o hindi mo makita ang iyong hinahanap, huwag mag-atubiling makipag-ugnayan sa amin sa pamamagitan ng aming counseling page at mga communication channels.
Ang safe2choose team at mga sumusuportang eksperto sa carafem, batay sa 2022 Abortion Care Guideline ng WHO; ang 2023 Clinical Updates sa Reproductive Health ng Ipas at ang 2024 Clinical Policy Guidelines para sa Pangangalaga ng Aborsyon ng NAF.
Ang safe2choose ay suportado ng isang Medical Advisory Board, na binuo ng mga nangungunang eksperto sa larangan ng Sexual and Reproductive Health and Rights (SRHR).
Nagbibigay ang carafem ng maginhawa at propesyonal na pangangalaga sa aborsyon o pagpapalaglag at pagpaplano ng pamilya upang makontrol ng mga tao ang bilang at espasyo ng kanilang mga anak.
Ang Ipas ay isang internasyonal na organisasyon na nakatuon sa pagpapalawak ng access sa ligtas na aborsyon o pagpapalaglag at kontraseptibong pangangalaga.
WHO - ang World Health Organization - ay isang dalubhasang ahensya ng United Nations na responsable para sa internasyonal na pampublikong kalusugan.
NAF – ang National Abortion Federation – ay isang propesyonal na asosasyon sa USA na sumusuporta sa ligtas, batay sa ebidensya na pangangalaga sa aborsyon o pagpapalaglag at mga reproductive na karapatan.