“ANG SINUMAN NA NAGPAPASYA NA TAPUSIN ANG PAGBUBUNTIS AY KARAPAT-DAPAT NA MAGKAROON NG PAREHONG PANGANGALAGA TULAD NG LAHAT NA NAGPAPASYA AT NANGANGARAP NA MAGKAANAK.” [1]
Mula sa koponan ng safe2choose counseling team
Ang sinuman na naghahanap ng pagpapayo at impormasyon para sa ligtas na pagpapalaglag kung paano pangangalagaan ang kanilang mga sarili pagkatapos ng pagpapalaglag sa klinika – gaya ng Manual Vacuum Aspiration (MVA) – ay maaaring makakuha ng libreng mga serbisyo mula sa safe2choose.
Ang pagpapalaglag ay isang pansariling karanasan na nagbibigay sa iyo ng pagkakataon na unahin ang pangangalaga sa sarili. Bukod-tangi ang bawat pagpapalaglag. Karaniwan lamang na makaranas ng maraming mga emosyon, ang lahat ng ito ay katanggap-tanggap. Ang aming koponan ng mga babaeng tagapayo ay narito upang sumuporta sa mga tao sa buong mundo na maaaring nangangailangan ng impormasyon at mga serbisyo tungkol sa pagpapalaglag, kalakip ang pangangalaga bago at pagkatapos ng pagpapalaglag.
Ayon sa Sangguniang Manwal ng Pangangalagang Nakatuon sa Kababaihan Pagkatapos ng Pagpapalaglag ni Ipas ang lahat ay may karapatan sa agaran, mataas na kalidad ng pangangalagang medikal at pagpapayo pagkatapos ng pagpalaglag, kahit pa ang pagpapalaglag ay hindi planado o inudyok at walang pagsasaalang-alang sa legal na estado ng pagpapalaglag.
Mayroong iba’t ibang mga pamaaraan meron ang pagpapalaglag, depende sa edad ng iyong pagbubuntis (gestational age), bansa kung saan ka nakatira, at ang paraan kung sa pakiramdam mo ay komportable ka. Ang aming pahina ng talapindutang-bilang sa pagbubuntis ay makatutulong sa iyo sa pagpapasya sa pinakamabuting pamamaraan.
Sa blog na ito, nakatuon kami sa MVA, na isang pinakaligtas na pamamaraan ng pagpapalaglag sa klinika para sa mga buntis na nasa unang trimestre, at/o maagang pangalawang trimestre, hanggang 14 na linggo ng pagbubuntis. Ito ay kung minsan tinatawag na paghigop, hungkag o pamamaraan na pagpapalaglag.
Pakinggan Ang Iyong Katawan
Ang safe2choose ay nariyan upang gabayan ka sa mga sintomas na maaari mong maranasan pagkatapos ng iyong MVA na pagpapalaglag at kung paano pangangalagaan ang iyong sarili bago, habang, at pagkatapos ng pagpapalglag sa klinika.
Layunin namin na bigyan ka ng mga paraan upang pangalagaan ang iyong sarili sa iyong sariling desisyon sa pamamagitan ng mga gamit sa sariling-pangangalaga para sa iyong pisikal at mental na kapakanan kasunod ng MVA. Nasa ilalim ang pangunahing mga payo sa pangangalaga pagkatapos ng pagpapalaglag na dapat isipin; ngunit, tandaan, narito kami upang sagutin ang lahat ng iyong mga tanong:
- Walang medikal na patunay sa dami ng oras na kailangan mong hintayin upang gawin ang tiyak na mga gawain, tulag ng paliligo, pag-eehersisyo, pakikipagtalik, o paggamit ng mga tampon. Kapag sa pakiramdam mo ay handa ka na, bumalik ka sa iyong normal na buhay. Sa ilang mga kaso, bibigyan ka ng follow-up na pagbisita sa klinika, at kahit hindi ito kailangan, pinapayo namin na makinig ka sa mga mungkahi ng iyong healthcare provider.
- Ang malakas na pulikat ay isa sa mga inaasahang epekto sa oras at pagkatapos ng MVA. Kalimitan, ang pulikat ay nababawasan pagkatapos ng pamamaraan, ngunit ang ilang kababaihan ay maaaring makaranas ng pamumulikat na pabalik-balik nang ilang mga araw o mga linggo.
- Minumungkahi namin ang Ibuprofen upang mabawasan ang pulikat, kasama ang ilang natural na mga pamamaran, gaya ng paglagay ng hot compress sa tiyan, pag-inom ng isang tasa ng tsaa, o paliligo ng mainit na tubig. Kung kailangan mo ng karagdagang impormasyon, ang aming mga tagapayo ay palaging narito para sa iyo.
- Pagkatapos ng pamamaraan, hanggang napagagaan ang pagdurugo at pakiramdam mong handa na ang katawan, pinapayo namin na iwasan ang mabigat na mga gawaing pisikal at huwag pasukan ng mga bagay ang ari, kalakip ang mga tampon at mga tasa na pang-regla.
- Kahit pa na ang MVA ay nananatiling ligtas na paraan ng pagpapalaglag, mayroong tiyak na mga babala na kailangan mong bantayan pagkatapos ng pamamaraan dahil maaari silang pahiwatig na kailangan mo ng medikal na pansin: Ang mga ito ay naglalakip ng
- Labis na pagdugo (lubusang nakababad sa dalawang mga pad; bawat oras, sa loob ng dalawang oras na magkasunod o higit pa);
- Lagnat (>38C o 100.4F) sa higit 24 oras pagkatapos ng pamamaraan;
- Malubha o lumalalang sakit sa balakang; at
- Patuloy na mga palatandaan ng pagbubuntis (dagdag na pagduduwal, paglambot ng dibdib, atbp.)
Yugto ng Regla at Paggamit ng Kontraseptibo Pagkatapos ng MVA na Pagpapalaglag
Pagkatapos ng iyong MVA, magkakaroon ang iyong katawan ng oras upang umayo ulit. Ang yugto ng iyong regla ay babalik sa pagitan ng apat hanggang anim na linggo pagkatapos ng pamamaraan, habang ang fertility ay puwedeng bumalik 10 days sandaling matapos ang pamamaraan. Sa ilang mga kaso, ito ay puwedeng mas tumagal, ngunit hindi ito sanhi ng pag-aalala.
Kung wala kang planong mabuntis pagkatapos ng iyong MVA na pagpapalaglag, minumungkahi namin na pag-isipan mo ang tungkol sa angkop na paraan ng kontraseptibo. Ang kalimitang mga anyo ng kontraseptibo ay puwedeng masimulan agag pagkatapos ng MVA. Magtanong sa medikal na propesyonal o isa sa aming mga babaeng tagapayo para sa impormasyon tungkol sa pinakamabuting paraan para sa iyo. Puwede mo ring bisitahin ang aming kasamang platform findmymethod.org upang mapag-aralan pa ang tungkol sa mga kontraseptibo.
Kung gumagamit ka ng paraan ng kontraseptibo kapag nangyari ang hindi planadong pagbubuntis, mahalagang maunawaan kung bakit bigo ang paraan bago ka nagpasya ng isa pang konraseptibo.
Sa safe2choose, layunin namin na ipaalam sa iyo ang pinakamabuting posibleng paraan upang mas maalagaan mo ang iyong sarili pagkatapos ng pamamaraan. Ang mga serbisyong pagpapayo sa MVA na pagpapalaglag ay maggamit sa iba’t ibang mga wika, kalakip ang Hindi, Kiswahili, Pranses, Portuges, Espanyol, Woloof, at Ingles. Puwede ka ring magkaroon ng personal na pag-uusap kasama ang tagapayo sa pamamagitan ng bahaging live chat ng website, o magpadala ng email sa info@safe2choose.org.
Ang safe2choose ay malugod na tinatanggap ang mga user na bumisita sa aming Facebook, Instagram, Twitter, at TikTok na mga pahina upang mas malaman pa ang aming trabaho.