Pagpapalaglag sa Bahay: 5 bagay na dapat mong malaman

Pagpapalaglag sa Bahay: 5 bagay na dapat mong malaman

ng safe2choose team
Ang pagpapalaglag sa bahay — kilala rin bilang pagpapalaglag gamit ang tabletas, medikal na pagpapalaglag, o pinamamahalaang sa sarili na pagpapalaglag — ay nagiging mas sikat sa mga kababaihan na nagnanais na tapusin ang kanilang pagbubuntis. Ang pamamaraan ay pribado, hindi nangangailangan ng operasyon, at maaaring isagawa saanman sa tingin nila ay komportable at ligtas.
Upang mabigyan tayo ng liwanag tungkol sa ligtas at mabisang pamamaraan na ito, narito ang 5 bagay na dapat mong malaman tungkol sa isang pagpapalaglag sa bahay.

1. Ano ang isang pagpapalaglag sa bahay at sino ang makakagawa nito?

Ang isang pagpapalaglag sa bahay o pagpapalaglag gamit ang mga tabletas ay karaniwang ginagamitan ng isang kombinasyon ng dalawang gamot upang wakasan ang isang pagbubuntis. Ang dalawang gamot na ginamit ay Mifepristone at Misoprostol. Gumagana ang Mifepristone sa pamamagitan ng pagharang sa daloy ng progesterone – isang hormone na kinakailangan upang suportahan ang pagbubuntis. Ang Misoprostol ay gumagana sa pamamagitan ng pagdudulot ng pamimintig na nagdudulot ng pagdurugo sa matris. Ang isang medikal na pagpapalaglag ay maaari ring maisagawa gamit lamang ang Misoprostol, ngunit mas epektibo ang paggamit ng parehong mga gamot nang magkasama. Sa katunayan, ang kumbinasyon ng Mifepristone at Misoprostol ay epektibo sa halos 95 sa 100 kaso at sa 85 sa 100 kaso para sa Misoprostol lamang.

Ang pagpapalaglag gamit ang mga tabletas ay isang pangkaraniwan at ligtas na pamamaraan upang wakasan ang mga unang tatlong buwan ng pagbubuntis. Ito ay maaaring isagawa hanggang sa 11 linggo, o mga dalawang buwan pagkatapos ng unang araw ng iyong huling regla. Ayon sa Planned Parenthood, ang mga tabletas ng pagpapalaglag ay 98 porsyento na epektibo kung ikaw ay hanggang walong linggo na buntis, 96 porsyento na epektibo kung nasa pagitan ng ikawalo hanggang siyam na linggong buntis, at 93 porsyento na epektibo kung nasa pagitan ng siyam at 10 linggo na buntis . Pagkatapos ng 11 linggo, isang surhikal na pagpapalaglag na=- ang kinakailangan.

2. Paano makakuha ng mga pagpapalaglag na tabletas?

Ang mga regulasyon na nakapalibot sa pagpapalaglag na tabletas ay magkakaiba sa bawat bansa. Ito ay available sa maraming bansa sa Europa, Hilagang Amerika, at Oceania habang may paghihigpit naman sa mga bansa sa Afrika, Latin Amerika, at Asya. Maaaring hindi ka makakuha ng Mifepristone ngunit mas madaling makahanap ng Misoprostol. Sa katunayan, habang ang Mifepristone ay ginagamit lamang para sa pagpapalaglag, ang Misoprostol ay may iba pang mga medikal na gamit maliban sa pagpapalaglag (induce labor, postpartum hemorrhage, ulser sa tiyan, atbp.) Kung kinakailangan, maaaring isangguni ka ng safe2choose sa mga maaasahan sa mga partner na organisasyon sa iyong bansa na makakatulong sa iyo na ma-access ang mga pampalaglag na tabletas o makahanap ng lokal na impormasyon tungkol dito. Maaari kang makipag-ugnay sa amin sa info@safe2choose.org

3. Ano ang mga aasahan at ano ang mga epekto?

During the process, the side effects and their intensity can vary. After taking the first pill, Mifepristone, most people don’t experience any side effects, but it’s not unusual to feel nauseous or start bleeding. After taking the second pill, usually a set of 4 Misoprostol, bleeding and cramping similar to normal period cramps can be felt. You may also feel nauseous and experience intense cramping and heavy bleeding.
Sa panahon ng pamamaraan, ang mga epekto ay maaaring magkakaiba sa bawat babae. Matapos inumin ang isang tableta ng Mifepristone, karamihan sa mga gumagamit ay hindi nakakaranas ng anumang mga epekto ngunit pangkaraniwan na makaramdam ng pagsusuka o pagdurugo. Matapos inumin ang pangalawang tableta, karaniwang isang hanay ng 4 na tabletas ng Misoprostol, makakaramdam ng pamimintig at pagdurugo na katulad o mas malakas kaysa normal na pagreregla.

Large clumps of tissue or blood clots can be expelled after taking the Misoprostol (up to the size of a lemon, according to Planned Parenthood), especially between 9 and 11 weeks of the pregnancy. The bleeding should start to reduce after a few hours but can take longer. Cramping will continue for a day or two and decrease in intensity with time. Ibuprofen can be really useful and aspirin should be avoided as it can cause more bleeding. Most people compare medication abortion to the feeling of an early miscarriage.
May ilang kababaihan na nakakaranas na maglabas ng buo-buong dugo pagkatapos uminom ng Misoprostol (maaring kasinglaki ng isang lemon ayon sa Planned Parenthood), lalo na sa pagitan ng 9 at 11 na linggo ng pagbubuntis. Ang pagdurugo ay aabot ng ilang oras o mas matagal pa. Ang pamimintig ay magpapatuloy sa loob ng isa o dalawang araw. Ang pag-inom ng Ibuprofen ay makakatulong at dapat iwasan ang aspirin dahil maaari itong maging sanhi ng mas matinding pagdurugo. Karamihan sa mga kababaihan ay inihambing ang pagpapalaglag gamit ang tabletas sa pakiramdam ng isang nakunan.
Other side effects include nausea, vomiting, diarrhea, dizziness, fatigue, and a mild fever up to about 100 degrees. In case of a fever higher than that, a doctor should immediately be called. The risk of infection with an abortion at home is very low but women should pay attention to warning signs.
Ang iba pang mga epekto ay kinabibilangan ng pagsusuka, pagtatae, pagkahilo, pagkapagod, at isang banayad na lagnat hanggang sa 100 degrees. Kung sakaling lagnatin ka ng mas mataas kaysa doon ay dapat humingi ng agarang atensyong medikal. Ang panganib ng impeksyon na may isang pagpapalaglag sa bahay ay napakababa ngunit dapat bigyang pansin ng mga kababaihan ang mga palatandaan ng babala.

4. Ligtas ba ang pagpapalaglag sa bahay?

Ang isang pagpapalaglag sa bahay ay talagang ligtas at epektibo kung nagawa nang tama. Milyun-milyong tao ang ligtas na ginamit ang mga tabletas. Mas mababa sa 1 porsiyento ng mga taong may mga pagpapalaglag ng gamot ay nakakaranas ng malubhang epekto o hindi kumpletong pagpapalaglag. Kung ito ang sitwasyon, maaaring suriin ng mga kababaihan sa isang doktor o tagapayo upang magpasya kung kakailanganin nilang uminom ng mas maraming gamot, subukang muli sa bahay, o magkaroon ng isang surhikal na pagpapalaglag kung pinahihintulutan ito sa kanilang bansa.

5. Ano ang aking mararamdaman pagkatapos ng pagpapalaglag?

Mahalaga ang pagpahinga pagkatapos ng isang pagpapalaglag sa bahay. Maaari kang bumalik sa trabaho, paaralan, o karamihan sa iba pang mga normal na aktibidad sa susunod na araw. Iwasan ang mabibigat na trabaho o ehersisyo. Maaari kang makipagtalik kung handa ka na. Makinig lamang sa iyong katawan at ang iyong pagnanais. Inirerekomenda din na gumamit ng kondom o iba pang mga kontraseptib dahil maaari kang mabuntis muli pagkatapos ng walong araw ng gamitin ang mga tabletas ng pagpapalaglag.

Karamihan sa mga kababaihan ay may maayos na pakiramdam sa loob ng isang araw o dalawa, ngunit ang pagdurugo ay maaaring tumagal ng isang linggo o higit pa pagkatapos ng pagpapalaglag. Maaaring makaramdam ng pamimintig sa loob ng ilang araw.
Matapos ang pagpapalaglag, ganap na normal na makaranas ng maraming magkakaibang damdamin. Ang bawat tao’y may ibang karanasan. Karamihan sa mga kababaihan ay nakaramdam ng ginhawa at hindi ikinalulungkot ang kanilang desisyon. Ang iba ay maaaring makaramdam ng kalungkutan, pagkakasala, o panghihinayang dahil mayroon din silang pakikitungo sa maraming stigma mula sa lipunan. Napakaraming tao ang may ganitong mga damdamin sa iba’t ibang panahon.

Narito kami upang suportahan ka sa iyong pagpapalaglag sa bahay

Karamihan sa mga kababaihan ay may maayos na pakiramdam kung mayroon silang isang taong malalapitan at makakausap pagkatapos ng isang pagpapalaglag sa bahay. Ngunit kahit na hindi mo iniisip na mayroong kahit sino sa iyong buhay na maaari kang makipag-usap, hindi ka nag-iisa. Maaari kang makipag-ugnayan sa aming mga babaeng tagapayo na laging handa na makinig sa iyo sa: info@safe2choose.org.