Upang mabawasan ang tyansa ng hindi matagumpay na pagpapalaglag at tumaas ang ligtas ng proseso ng pagpapalaglag, importante na alamin ang mga paraan na kinokonsidera na ligtas para sa bawat gestational age o edad ng pagbubuntis.
Bakit Mahalaga ang Edad ng Pagbubuntis Kapag Pumipili ng Paraan sa Pagpapalaglag
Kadalasan, ang trimesters at ang iba’t ibang edad sa pagbubuntis ay nababanggit tuwing pinag-uusapan ang tungkol sa pagbubuntis, ngunit parehong mahalaga itong pag-usapan tungkol sa iba’t ibang trimester at naaayon na paraan sa pagpapalaglag.
Ang pinaka-angkop na paraan sa pagpapalaglag para sa iyo ay nakadepende sa gestational age[2] o edad ng pagbubuntis at sa tiyak na pangangailangan mo, kahit na madalas lumalawak ang accessibility ng karamihan sa mga paraan ng pagpapalaglag. Syempre ang model o ang isang paraan ay hindi angkop para sa lahat, at magiging kakaiba ang sitwasyon mo batay sa mga nakaraang medikal na kasaysayan mo at ang nature ng pagbubuntis, lokasyon, at ang lehislasyon ng iyong bansa.
Sa pangkaraniwan, kapag nagdedesisyon kung anong paraan sa pagpapalaglag ang mainam, maraming bagay ang dapat ikonsidera, kabilang kung:
- ang pagbubuntis mo ay ginawa sa labas ng matris;
- mayroon kang sakit sa pagdurugo o gumagamit ng pangpalabnaw ng dugo;
- allergic ka sa misoprostol o mifepristone;
- may malubha kang sakit sa atay, bato, o baga;
- mayroon kang intrauterine device (IUD);
- lagi kang umiinom ng corticosteroids; o
- may kakaiba kang hugis ng matris.
Ang lahat ng mga bagay na ito, kabilang ang mga iba pa, ay maaaring makaapekto sa uri ng proseso ng pagpapalaglag na tama para sa iyo. Hindi ito kinakailangan, ngunit maaari kang makipag-ugnayan sa isang health-care practitioner o tagapayo para makakuha pa ng mas maraming impormasyon. Maaari ka ring makipag-usap sa isang tagapayo via live chat sa safe2choose.org. Papayuhan ka nila sa pinaka-angkop na paraan sa pagpapalaglag para sa iyo at gagabayan ka kung paano humingi ng medikal na payo kung kailangan mo.
Tinutulungan na ng post na ito para maintindihan kung anong paraan ng pagpapalaglag ang angkop para sa iyo batay sa iyong edad ng pagbubuntis. Para mag-umpisa, sasamahan ka namin kung paano malaman ang iyong edad ng pagbubuntis at pagkatapos ay i-detalye ang iba’t ibang paraan sa pagpapalaglag na angkop para sa iba’t ibang yugto ng pagbubuntis.
Paano Matukoy ang Edad ng Pagbubuntis
Ang edad ng pagbubuntis, o edad ng embryo, ay kinakalkula mula sa unang araw ng huling regla ng isang buntis. Dahil ang oras o timing ng huling regla ay isang napakagandang predictor o tagahula kung kailan mag-oovulate ang isang tao, o maglalabas ng itlog, at kung gayon ay maganda ring predictor ito kung kailan maaaring mangyari ang fertilization.
Available na Paraan sa Pagpapalaglag sa bawat Yugto ng Pagbubuntis
Pagpapalaglag gamit ang mga tableta (hanggang 13 linggo)
Karaniwang may dalawang hakbang na proseso ito gamit ang mifepristone at misoprostol. Maaari ka ring magpa-medical abortion gamit lamang ang misoprostol, bagama't ginagawa lamang ito kapag may limitadong mapagkukunan at/o ang pasyente ay allergic sa mifepristone dahil ang pananaliksik ay nagmumungkahi na mas epektibo ang pinagsamang paraan.
Misoprostol Lamang
Upang ligtas na maudyok ang pagpapalaglag gamit ang misoprostol lamang, kakailanganin mo ng 12 misoprostol na tableta, na naglalaman ng 200 mcg ng aktibong sangkap. May kabuuang dosis ito na 2400 mcg, na dapat inumin sa tatlong magkahiwalay na dosis na 800 mcg (4 na tableta), na may pagitan ng tatlong oras.
Kung ikaw ay nasa pagitan ng 10-13 linggo na buntis, lubos na inirerekomenda ang paggamit ng lahat ng 12 na tableta para sa pinakamataas na tyansa ng tagumpay. Kung 8 tableta lang ang nakuha mo, maaari ka pa ring magpatuloy, ngunit mas mababa ang bisa, at pinakamahusay na kumonsulta sa isang tagapayo para sa karagdagang suporta bago simulan ang proseso.
Kung ang mga tableta mo ay may ibang dosis, tulad ng 400 mcg bawat tableta, kakailanganin mong i-adjust ang bilang ng mga tableta upang matiyak na makukuha mo ang tamang kabuuang dosis. Mahalaga ang tumpak na dosing at timing, kaya siguraduhing nasa isang ligtas, pribadong lugar at kumuha ng pain reliever tulad ng ibuprofen (800 mg) o diclofenac (50 mg) bago ang bawat dosis upang makatulong sa mga cramps.
Mifepristone + Misoprostol
Upang magamit ang mifepristone at misoprostol para sa ligtas at epektibong pagpapalaglag, magsimula sa pag-inom ng isang 200 mg mifepristone na may tubig. Hinaharang ng gamot na ito ang hormone na kailangan para mapanatili ang pagbubuntis.
Pagkatapos uminom ng mifepristone, maghintay ng hindi bababa sa 24 oras ngunit hindi hihigit sa 48 oras bago gumamit ng misoprostol. Sa panahon ng paghihintay, pumili ng oras kung saan maaari kang magpahinga, magkaroon ng privacy, at madaling access sa banyo. Mga humigit-kumulang 30 minuto bago gumamit ng misoprostol, uminom ng pain reliever tulad ng 800 mg ng ibuprofen upang makatulong sa cramping na susunod dito.
Para uminom ng misoprostol, maglagay ng 4 na tableta (200 mcg bawat isa) sa ilalim ng iyong dila at hayaang matunaw ito sa loob ng 30 minuto nang hindi kumakain o umiinom. Maaari mong lunukin ang iyong laway sa panahong ito. Pagkatapos ng 30 minuto, lunukin ang anumang natitirang mga fragment kasama ang tubig.
Karaniwang nagsisimula ang cramping at pagdurugo sa loob ng 4 hanggang 6 na oras ngunit maaaring tumagal ng hanggang 24 oras bago magsimula. Normal ang mga palatandaan na ito na nagsimula ng proseso ng pagpapalaglag. Kung ikaw ay wala pang 9 linggong buntis at hindi nakaranas ng pagdurugo tulad ng regla sa loob ng 24 oras, maaari kang uminom ng pangalawang dosis ng 4 misoprostol na tableta sa parehong paraan.
Kung nasa pagitan ka ng 9 hanggang 13 linggong buntis, inirerekomenda na kumuha ng pangalawang dosis 4 oras pagkatapos ng una upang mapabuti ang bisa. Sa buong proseso, maaari kang magpatuloy sa pag-inom ng gamot sa pananakit kung kinakailangan, ngunit iwasan ang aspirin, dahil maaaring magpapataas ito ng pagdurugo. Palaging suriin ang dosis sa iyong mga tableta at ayusin nang naaayon kung ang mga ito ay hindi 200 mcg bawat isa.
Kung ang iyong pagbubuntis ay higit sa 13 linggo, maaaring makipag-ugnayan sa aming safe2choose na tagapayo para sa karagdagang suporta. Maaari ka ring magbasa nang higit pa tungkol sa mga tableta sa pagpapalaglag.
Vacuum Aspiration (Hanggang 16 linggo)
Manual Vacuum Aspiration (MVA) at Electric Vacuum Aspiration (EVA) (hanggang 16 linggo)
Ang prosesong ito ay karaniwang isinasagawa para sa mga may edad ng pagbubuntis na mas mababa sa 16 linggo.
Ipinapasok ang tubo sa sinapupunan, na dumadaan sa serviks, at tinatanggal ang pagbubuntis gamit ang pagsipsip o suction. Ang suction ay maaaring manual o electric, at dito matatagpuan ang pagkakaiba sa pagitan ng dalawa. Maraming lokal na practitioner ang pumipili para sa vacuum aspiration dahil ito ay mabilis, madali, at nangangailangan ng kaunting kagamitan. Maaari ding gamitin ang vacuum aspiration para sa pangangalaga pagkatapos ng pagpapalaglag, sakaling makita mo ang iyong sarili sa sitwasyon kung saan hindi pa kumpleto ang medikal na pagpapalaglag sa bahay, o pagkalaglag.
Maaaring gamitin ang vacuum aspiration upang tapusin ang pagbubuntis kasing aga mula sa 2 linggo hanggang 16 na linggo ng pagbubuntis. Basahin ang gabay sa ligtas na MVA na pagpapalaglag dito.
Dilation at Evacuation (15-24 Linggo)
Karaniwang isinasagawa ang prosesong ito para sa mga pagbubuntis na nasa labas ng unang trimester. Kabilang dito ang paggamit ng forceps na inilalagay sa loob ng serviks at sa sinapupunan para tanggalin ang pagbubuntis. Magsisimula ang medikal na propesyonal na magbigay ng gamot na mag-uudyok sa paglawak o pag-dilate ng serviks. Maaaring nasa anyo ng karaniwang medikal na tableta sa pagpapalaglag, Mifepristone o Misoprostol, o sa anyo ng isang osmotic dilator. Ang mga osmotic dilator ay gawa sa seaweed, at kapag ipinasok sa vaginal canal, ay tutulong sa serviks na bumukas upang mapasok ang forceps.
Kasunod nito, bibigyan ka ng lokal o general na anesthesia, depende sa iyong edad ng pagbubuntis, at makukumpleto ang proseso sa loob ng 15 minuto, sa karaniwan.
Ang D&E ay isang paraan na ginagamit sa mga pagbubuntis sa edad mula 15 linggo hanggang sa 24 linggo.
Ang paghahanap kung anong paraan ng pagpapalaglag ang maaari sa iba't ibang edad ng pagbubuntis ay maaaring nakakatakot para sa marami, ngunit ang aming mga tagapayo sa safe2choose ay available para sa iyo sa lahat ng yugto at tutulong sa iyo na maipasa ang mga kinakailangang hakbang. Makipag-ugnayan sa kanila sa gamit ang aming live chat o e-mail sa info@safe2choose.org.
Kailan Hihingi ng Medikal na Payo
Humingi kaagad ng medikal na tulong kapag ikaw ay:
- Sobrang nagdurugo na napupuno mo ang 2 o higit pang pads kada oras sa loob ng 2 oras nang magkasunod.
- Mayroong lagnat na nagsimula ng 24 oras o higit pa matapos uminom ng misoprostol at hindi bumababa pagkatapos uminom ng ibuprofen.
- Nakakaramdam ng matinding sakit na hindi nawawala pagkatapos uminom ng gamot sa pananakit tulad ng ibuprofen.
- Mayroong vaginal discharge na amoy mabaho o iba ang hitsura kumpara sa normal na regla.
- Nakakaramdam ng lubhang sakit o mahina.
- May pamumula, pamamaga, o pangangati sa mukha, kamay, o leeg. Ang mga senyales na ito ay maaaring allergic reaction.
- Nahihirapan huminga.
Kung mayroon kang isa sa mga senyales na nakalista sa itaas, humingi ng medikal na atensyon sa lalong madaling panahon.
Kailangan ng Tulong sa Pagpili ng Paraan?
Sa safe2choose, ang aming mga sinanay na tagapayo ay narito upang magbigay ng mahabagin at kumpidensyal na suporta upang matulungan kang gumawa ng mga matalinong desisyon tungkol sa iyong pagbubuntis. Kung kailangan mo ng tulong sa pag-unawa sa iyong edad ng pagbubuntis, gabay sa mga ligtas na paraan ng pagpapalaglag, o impormasyon sa pangangalaga pagkatapos ng pagpapalaglag, narito kami para sa iyo sa bawat hakbang ng paraan. Ang iyong kaligtasan at kagalingan ay ang aming pangunahing priyoridad, at tinitiyak namin na makakatanggap ka ng tumpak na impormasyon at access sa mga ligtas na opsyon sa pagpapalaglag. Bisitahin ang aming mga website sa: safe2choose.org


