Kailangan ko bang magparaspa (D&C) pagkatapos ng paggamit ng mga pampalaglag na tabletas?
Kailangan ko bang magparaspa (D&C) pagkatapos ng paggamit ng mga pampalaglag na tabletas?
Kung ang mga pampalaglag na tabletas ay matagumpay na nawakasan ang pagbubuntis karamihan sa mga kababaihan ay hindi na kailangan gumamit ng anumang ekstra na medikasyon, ni alinmang mga surgical na pamamaraan pagkatapos.
Ang ilang mga health provider ay hindi wastong sinanay at maaaring magpayo nang hindi na kinakailangan na surgical na pamamaraan para tanggalin ang lahat ng mga tissue sa matris. Ngunit, ito ay natural na ginagawa ng iyong matris. Tandaan na karaniwan sa pagpapalaglag gamit ang mga tabletas ay maaaring umabot ng hanggang ilang mga linggo para makumpleto.
Kung mayroong isang tunay na medikal na dahilan para tanggalin ang tissue sa iyong matris, ang pinakaligtas na pamamaraan ay isang vacuum aspiration [1] at hindi isang D&C. Sa kasamaang palad, sa maraming lugar ang D&C lamang ang makukuhang opsyon.
Kung ang mga tabletas ay hindi nawakasan ang pagbubuntis maaari mong subukan muli gamit ang mga pampalaglag na tabletas. Ang pag-ulit sa pamamaraan ay ligtas hangga’t ikaw ay maghintay ng 72 oras mula sa huling oras na iyong ginamit ang mga pampalaglag na tabletas.
[1] Ipas. (2019). Clinical Updates in Reproductive Health. L. Castleman & N. Kapp (Eds.). Chapel Hill, NC: Ipas. Retrieved from: https://www.ipas.org/wp-content/uploads/2023/09/Ipas-Clinical-Updates-in-Reproductive-Health-CURHE23b.pdf
Pagkatapos na Uminom ng Pampalaglag na Tabletas Mga Kadalasang Tinatanong na Katanungan
- Nababawasan ba ang pagkaepektibo ng mga pampalaglag na tabletas kung gagamitin mo ang mga ito ulit sa hinaharap?
- Paano ko maiiwasan ang isa pang pagbubuntis sa hinaharap?
- Ilang araw ako dapat na magpahinga pagkatapos na gamitin ang mga pampalaglag na tabletas?
- Ano ang mangyayari kung ako ay buntis pa rin pagkatapos na gamitin ang mga pampalaglag na tabletas?
- Kailangan ko bang magparaspa (D&C) pagkatapos ng paggamit ng mga pampalaglag na tabletas?
- Mabubuntis pa ba ako pagkatapos ng isang pagpapalaglag?
- Gaano katagal ako kailangan na maghintay para makipagtalik pagkatapos gamitin ang mga pampalaglag na tabletas?
Alamin ang iba pang mga katanungan.
*Nothing provided herein should be construed as professional medical advice and no medication / pills should be used without a prescription from a licensed / registered medical practitioner eligible to prescribe such medication in your local jurisdiction.