Paano ko malalaman na ang safe2choose ay isang tunay na organisasyon?
Naiintindihan namin na napakahirap na magtiwala sa isang website, lalo na na may napakaraming maling impormasyon na nasa internet. Gusto naming malaman ninyo na ang safe2choose ay nagsisikap na mapabuti ang pag-access sa tumpak na impormasyon para ang mga kababaihan sa buong mundo ay magkaroon ng isang ligtas na pagpapalaglag gamit ang mga tabletas.
Lahat ng impormasyon na aming ibinabahagi sa aming website at sa pamamagitan ng aming counseling team ay batay sa mga rekomendasyon ng mga internasyonal na medikal na organisasyon na mga dalubhasa sa pagpapalaglag. Kung naaangkop, iyong makikita ang mga ahensiyang ito na nakareperensya sa safe2choose na website para iyong mas maintindihan ang aming mga mapagkakatiwalaang pinagkukunan.
Maaari kang makipag-ugnay sa amin anumang oras kung mayroon kang mga katanungan. Nagbibigay kami ng impormasyon tungkol sa mga pampalaglag na tabletas, at kami ay nandito para sumuporta sa iyo bago, habang at pagkatapos ng iyong pagpapalaglag.
Ang safe2choose ay kadalasang nababanggit sa mga balita, basahin ang seksyong ito para mas malaman ang tungkol sa amin.
Tungkol sa safe2choose na mga serbisyo
Alamin ang iba pang mga katanungan.
*Nothing provided herein should be construed as professional medical advice and no medication / pills should be used without a prescription from a licensed / registered medical practitioner eligible to prescribe such medication in your local jurisdiction.